Tuesday , December 23 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere night ng SRR:Evil Origins na isinagawa sa Gateway Cinema 11 and 16 noong Huwebes ng gabi.

SRO ang dalawang sinehang inilaan sa premiere night ng SRR: Evil Origins at positibo ang reaction ng mga manonood.

Maagang dumating sa sinehan sina Annabelle Rama kasama sina Ruffa at Mon

Gutierrez bilang suporta kay Richard na bida sa 2050 episode.

Bagamat may pinagdaraanan ang pamilya Gutierrez at kagagaling lang ng mga ito sa Singapore para sa operasyon ng kanilang padre de pamilya na si Mr Eddie Gutierrez naroon ang mga ito para suportahan ang anak at kapatid na si Richard.

Maging ang mga kapatid ni Ivana ay dumalo rin sa premiere night.

Bukod sa pami-pamilya sinuportahan din ng kani-kanilang kaibigan ang ibang bida ng Regal entry sa MMFF 2025.

At dahil horror ang tema ng SRR: Evil Origins dinig na dinig ang tilian at sa bawat pagtatapos ng bawat episode umaalingawngaw ang palakpakan. Kami man ay may kung ilang beses naming sinabi ang salitang, ‘ang galing’ ‘ang ganda.’

Na-enjoy talaga namin ang bawat episode na umpisa pa lang, ang 1775 episode ay makapanindig-balahibo na dahil sa galing ng mga nagsisiganap bilang madre na sina Carla Abellana, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, Janice de Belen, Althea Ablan, Elijah Alejo at iba.

Napagtagumpayan ni Carla Abellana ang karakter niya bilang si Madre Clara, ang madreng may prophetic visions. Idinirehe ito ni Shugo Praico na naka-set noong Spanish colonial period. Nagustuhan din namin ang karakter ni Janice bilang Madre Juana, ang mahigpit at istriktong Mother superior.

Ang sumunod na episode na nagustuhan din namin dahil sa sabi nga nami’y pag-evolve na ng ‘Pinas sa paggawa ng temang serial killer. Ang episode na ito ang 2025 na sinubukan ng isang grupo ng mga kabataan na palayasin ang isang out-of-control na serial killer sa isang Halloween party sa isang underground club.

Bida rito sina Kaila Estrada, Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang Smith, JM Ibarra, Sassa Gurl at Karina Bautista.

Ang pinakahuling episode ay pinagbibidahan nina Richard, Ivana AlawiMatt Lozano, Dustin YuCelyn David, at Manilyn Reynes. Ito ang post-apocalyptic o pinamumugaran na ng aswang ang Pilipinas.

Bukod kay direk Sgugo kasama ring nagdirehe ng Evil Origins sina Joey de Guzman at Ian Loreños

Sigawan at palakpakan ang audience habang pinanonood ang SRR: Evil Origins– mula unang episode hanggang sa ikatlong episode.

Grabe ang build-up ng story mula sa unang episode na nakawiwindang ang mga eksena sa loob ng kumbento nang makapasok na ang demonyo at naghasik ng lagim sa mga madre.

Kung mahilig naman kayo sa slasher movies, siguradong mae-enjoy n’yo ang episode 2025 dahil madugo at medyo bayolente ang mga eksena.

Maganda rin ang third episode, 2050 na kakaibang klaseng mga aswang naman ang makakalaban nina Richard, Ivana, Matt, at Dustin.

Kaya sa panonood ng SRR: Evil Origins ihanda ang sarili dahil walang hinga-hinga mula umpisa hanggang katapusan. 

Mapapanod na ang SRR: Evil Origins simula sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Maricar Aragon Me and My Music

“Me and My Music” concert ni Maricar Aragon sa Viva Cafe, mamayang gabi na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG fund-raising concert ang gaganapin mamayang gabi (Dec. 22) sa …

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …