Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PA
ni Rommel Placente

KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong Dalawa Lang. Iniregalo niya ang kantang ito para sa kasal nina Kiray Celis at Stephan Estopia

Ang kanta ay ukol sa isang tunay na kwento ng pag-ibig, kasiyahan, at ang mga karaniwang pagsubok na pinagdaraanan ng magkasintahan bago ikasal—na nagpapaalala na ang pag-ibig ay laging nagwawagi kapag pinipili ang isa’t isa araw-araw.

Ang Kayong Dalawa Lang ay simple ngunit may malalim na kahulugan: kapag paulit-ulit mong pinipili ang iyong kapareha, hindi imposible ang “forever.” Ang anumang relasyon ay malalampasan ang lahat basta’t pinipili ninyong manatili sa isa’t isa.

Ang kanta at music video ay prodyus ng Purple Hearts Production, isang in-house company ng Kryzl Group of Companies.

Close si Love Kryzl kina Kiray at Stephan kaya naman may partisipasyon siya, bilang little bride, sa magaganap na kasal ng mga ito ngayong December.

Sa naganap na mediacon para sa kanta niyang Kayong Dalawa Lang, tinanong si Love  Kryzl kung kamusta ang experience niya noong ginawa niya ang music video. 

Ang sagot niya, ”It’s a bit tiring, but it’s fun.

And I enjoyed the place, Las Casas. There’s so many historical place there.”

Dahil isang singer si Love Kryzl, tinanong siya kung sino ang mga paborito niyang singers.

“Taylor Swift, Blank Pink, at Katseye” sagot niya.

Sa local naman ay ang P-pop group na BINI.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Vilma Santos Best Actress star Awards

Vilma in high spirit ‘pag tumatanggap ng tropeo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “I feel so happy, it’s a different high.” Ito ang tinuran …