Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Dennis Trillo Aga Muhlach

Vilma, Aga, Dennis wagi sa 41st Star Awards for Movies

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Vilma Santos ang iitinanghal na Movie Actress of the Year sa katatapos na 41st Star Awards For Movies na ginanap sa San Juan Theater noong Linggo ng gabi.

Wagi siya para sa pelikulang Uninvited,na naging entry sa Metro Manila Film Festival 2024.

Present sa okasyon si Ate Vi, kaya personal niyang natanggap ang kanyang trophy.

Sa kanyang acceptance speech, hindi nakalimutang pasalamatan ng award-winning actress ang Mentorque Production. Ito ang producer ng nasabing pelikula na pinagbidahan niya.

Ayon kay Ate Vi, binigyan siya ng Mentorque ng isang magandang role, bilang isang ina, si Lilia, na naghiganti sa mga lalaking  pumatay sa kanyang anak.

Ang mga nakalaban ni Ate Vi sa Best Actress category na tinalo niya ay sina Kathryn Bernardo, Marian Rivera,Lovi Poe,Judy Ann Santos, Sue Prado, Shamaine Buencamino, at Rebecca Chuansu.

Samantala, tie naman bilang Movie Actor of The Year sina  Aga Muhlach para rin sa  Uninvited at  Dennis Trillo para naman sa Green Bones.

Present sa awards night si Dennis, while si Aga ay hindi nakarating.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Breaking The Silence

Breaking The Silence napapanahong pelikula

DAPAT suportahan at panoorin ang pelikulang Breaking The Silence ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa napakahusay ng mga …

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …