Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo PGT

Kathryn may K maging hurado ng PGT

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY mga nagtaas ng kilay nang mapili si Kathryn Bernardo bilang isa sa pinakabagong hurado ng Pilipinas Got Talent. First time kasi ito ng aktres. Habang naghihintay kasi na ipalabas ang kanyang upcoming film ay dito muna siya mapapanood.  

Kabado ang award-winning actress dahil first time niyang maging isang hurado. Pero dahil ongoing na ang tapings para sa show, may mga ilang nagtsika sa amin na pasado naman bilang hurado si Kathryn. 

Bilib nga raw sa kanya ang ilang staff at produksiyon ng programa, dahil mabilis siyang naka-adjust. Mahusay siyang mag-judge. 

Bakit naman hindi? Ang  experience ng aktres sa showbiz mula Goin’ Bulilit hanggang ngayon, ang pinaka-factor kung bakit karapat-dapat lamang siyang maging hurado, dahil experience wise nga ay matagal na siya sa showbiz.

Hindi lamang sa pagdya-judge naman hinangaan ang aktres.

Mula rin nang mahiwalay kay Daniel Padilla, mas lalo nilang nakita at na-appreciate kung paano magsalita ang aktres sa mga interview.

Mas lumabas ang galing nito. 

Komento pa ng ilang netizens, bihira raw kasing ma-express ni Kathryn dati ang sarili dahil kay Daniel.

May mga nagsabi naman, mag-mature na rin naman talaga si Kathryn sa lahat ng aspeto. ‘Experience is the best teacher’, ‘ika nga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …