Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Womens Magilas Pilipinas Basketball Association (WMPBA) - Liga ng Pilipina, ilalarga sa Sabado
PANAUHIN sina (L-R) MPBA founder Coach Fernando Arimado, Tech. Head Allan Maronilla, coach Jons Madriaga at Coach Rica Francisco sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Malate, Manila. (HENRY TALAN VARGAS)

Women’s Magilas Pilipinas Basketball Association (WMPBA) – Liga ng Pilipina, ilalarga sa Sabado

PALAKASIN ang women’s basketball development program ang target ng Magilas Pilipinas Basketball Association (MPBA) Women’s Championship na ilalarga sa Sabado, Nobyembre 23 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ibinida ni MPBA founder coach Fernando ‘Kotz’  Arimado ang pagsabak ng walong koponan para sa natatanging liga para sa kababaihan na naglalayon na palawigin ang pagtuklas ng talent ng mga atletang Pilipina sa larangan ng basketball.

“Marami na ring liga para sa kababaihan, pero napakaraming talento na kailangang nating mabigyan ng pagkakataon na maipakita at madevelop,” pahayag ni Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Malate, Manila.

“Mula rito, hopefully, matulungan natina ng National Association para makatuklas ng bagong talent na puwedeng maisama sa future Philippine Team,” aniya.

Kabilang sa mga sasabak sa liga ang Eastside, Sunday Rim Hoopers, Amarix Baller, Shape & Shades, Elijah, Cyubico, Calamba Hoopers at Philippine Christian University (PCU) Lady Dolphins.

Iginiit ni coach Arimado na bukas pa ang pagpapatala para sa mga nagnanais lumahok sa torneo at magkaroon ng karagdagang karanasan para sa kompetitibong basketball.

“Ang atin pong mga opisyal ay mga beteranong referee na naging bahagi na rin ng malalaking liga, kaya makakaasa po tayo ng maayos at sistimatikong programa,” pahayag ni Arimado sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kasama ni Arimado na dumalo sa programa ang league technical committee head na si coach Allan Maronilla, coach Rica Francisco at coach Jons Madriaga.

“Mataas na po ang narating ng women’s basketball. Unlike before noong panahon na naglalaro ako, ngayon full coverage na ang mga laro at may coming professional league na rin. Hopefully, itong liga ay makatulong sa ating mga kakakaihang players para ma mag-aspire sila na maging professional in the future,” pahayag ni Francisco. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …