NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years division ng Go Full Speedo Swim Series 2 Championships sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila noong Sabado.
Si Diamante, isang Grade 9 na estudyante mula sa Augustinian Abbey School sa Las Piñas City at pangunahing manlalangoy ng RSS Dolphins na sinanay ni Anthony Reyes, ay nagtala ng 31.70 segundo upang talunin si Rielle Aislyn Antonio ng PCA Stingray (32.13) at Caelyn Dane Salac ng Modern Aquatic Swim Club (34.02).
Nanguna rin sina Ricielle Maleeka Melencio at Aishel Evangelista sa kani-kanilang kategorya sa torneo na inayos ng Philippine Aquatics, Inc. at sinuportahan ng Philippine Sports Commission at Speedo.
Ang 20-anyos na si Melencio ng Ayala Harpoons Swim Club ay umangkin ng dalawang gintong medalya, nanguna sa girls 19-over 50-m butterfly at 200m freestyle na nagtala ng 31.58 segundo at 2:19.26, ayon sa pagkakasunod-sunod sa dalawang araw na torneo na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission at Speedo.
Isang dating international age-group campaigner, si Melencio ang nangibabaw sa 50m fla laban mga karibal na sina Zoe Marie Hilario ng FTW Royals ay na-time na 31.89, habang si Iammejen Lopez ng D’Ace Seahawks ay nagtapos sa pangatlo sa 33.50.
Napanatili ni Melencio ang winning momentum sa pangunguna sa 200m free laban kina Lopez (2:22.04) at Renee Margaret Diaz ng Ilustre East Aquatic (2:27.06).
“Halos isang buwan akong nag-training para paghandaan ang seryeng ito. Sa kabutihang palad, nakakuha ako ng magandang simula. Try ko lang i-sustain ang momentum, sana,” ani Melencio.
Si Evangelista, ang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa kanyang age class na may anim na gintong medalya sa Series 1 noong nakaraang buwan, ay nagsimula sa kanyang kampanya sa impresibong panalo sa boys 14-year-old 200m freestyle sa oras na 2:02.40. Dinaig ng UST varsity member at top swimmer ng Betta Caloocan Swimming Club sina Joaquin De Castro ng Ilustre East (2:11.94), at Kean Paragatos ng Rapid Dolphins (2:18.11).
Ang iba pang mga nanalo sa Boy’s division sa opening day ay sina Paul Vincent Ocampo sa boys 11-yrs 200m free (2:36.58), Von Andrei Pinon (12yrs, 2:15.83), Vynz Tadulan (13yrs, 2:12.27), John Jeremy Villaneuva (15yrs, 2 :08.34), Ethan Yuri Dulin (16yrs, 2:09.74), Patrick Vidal (17yrs, 2:06.22), Jim Ryan Mirandilla (18yrs, 2:15.06), Earl Jhay Jayme (19yrs, 2:03.39).
Makoto Nakamura sa girls 11-yrs.old 200m freestyle (2:28.75), Sophia Rose Garra (12yrs, 2:18.06); Rielle Antonio (13yrs, 2:22.66); Eliana Rodriguez (14yrs, 2:25.55), Kristine Uy (15yrs, 2:22.04), Alyssa Cabatian (16yrs, 2:22.04), Milkyla Guzman (17yrs, 2:26.25), Rio Balbuena (18yrs, 2:22.89);
Clinton Hu sa boys 6-under 200m free (5:04.40), Fritz Ian Jundam (7yrs, 3:49.77), James Fadriquela (8yrs, 3:27.54), Antonio Dela Cruz (9yrs, 3:25.27), Gideon Ancheta (10yrs, 2:36.89), Aamirah Medinilla (girls 6 under 200m free, 5:43.63), Elle Francia (7yrs, 4:19.65) at Ayesha Valera (8yrs, 4:06.86). (HATAW Sports)