Sunday , November 17 2024
Lindsay Bolanos

Baguhang singer na si Lindsay Bolanos may karapatang matawag na OPM Princess

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NATUWA naman kami sa bagong alaga ng EBQ Music, si Lindsay Bolaños nang iparinig sa amin ang kanyang mga awitin sa debut album na Pusong Nagmamahal kamakailan nang ilunsad siya at ipakilala sa entertainment press.

Puro OPM songs ang nakapaloob sa album ni Lindsay at kahanga-hanga ang ganda ng kanyang boses na hindi naman nakapagtataka dahil sa edad 6 eh, marunong nang kumanta. 

Anang 17 year old singer, “I started at the age of 6, and my talent for singing finally showed up. I started singing along to songs, especially in the shower.”

Actually as early as 10 month old eh kinakitaan na siya ng hilig sa musika ng kanyang amang si Mr Bobot Bolanos dahil kapag nagpapatugtog iyon ng kanta ng Fra Lippo Lippi na Everytime I See You at I Surrender niCeline Dion eh ipinapadyak na ang mga paa niya.

Kaya nang marinig ng kanyang ama na nakakakanta na s’ya noong 6 na taong gulang na siya, agad siyang ini-enrol sa voice school.

Ini-enrol ako ng dad ko sa voice school kaya ‘yun ang umpisa na kung saan-saan ako nakakakanta sa iba’t ibang lugar at sumasali sa iba’t ibang kompetisyon,” pagbabahagi ng tinaguriang  OPM Princess.

Nagpe-perform ako sa mga mall show at competitions, inside and outside school, at ang first competition na nanalo ako eh sa ‘EKids Talent Competition’ noong 2015. At noong 2022, ipinakilala ako ng kaibigan ko kay Ma’am Evie Quintua na siya nang naging manager ko at tumutulong para maabot ang aking mga pangarap,’’ sabi pa ni Lindsay.

At matapos ngang marinig ang kanyang mga awitin pwedeng-pwede siyang maging bagong Jukebox Princess dahil sa tunog ng kanyang mga kanta kabilang na ang Pusong Nagmamahal. At sa ganda at timbre ng boses pwedeng-pwede ngang taguriang OPM Princess si Lindsay.

Sabi nga ni Lindsay, umaasa siyang magugustuhan ng publiko ang kanyang mga kanta.

Positive ang attitude ni Lindsay sa pagpasok sa music industry dahil hindi siya pressured kahit baguhan pa lamang. “Hindi po ako nape-pressure kasi may kanya-kanya po kami style and identity, dahil kung makikipagkompetensiya po ako sa iba and gusto ko pa magkaparehas kami palagi, hindi na po ako ‘yung makikilala as Lindsay, dahil gusto ko po na makilala ako as my own identity.”

At kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gustong niyang maka-collab ang mga idolo niyang sina Morissette Amon at Regine Velasquez.

Ang Pusong Nagmamahal ay mula sa EBQ Music Production at ipinamamahagi ng PolyEast Records. Ito ay isinulat ni Ms Evie na siyang head ng EBQ at producer ng album ni Lindsay habang ang tatay naman ni Lindsay na si Bobot ang naglapat ng musika.

Kasama rin sa album ang mga hugot tracks na Ikaw Na Lang Kaya, Kung Kailan Pa, Para Sa ‘Yo, Inaamin Ko, atKahit Pangarap Lang.

Isang pasasalamat naman ang inilahad ni Lindsay sa kanyang Instagram account, sa mga sumuporta sa kanyang album launch.

Pusong Nagmamahal ALBUM LAUNCHING and PRESS CONFERENCE. 

“This day is a very special one for me. I sure have dreamt of being a singer/an artist and launching MY OWN ALBUM, but I never expected it to happen someday. 

“I thought that that dream of mine will forever be just a dream. But, it actually happened! You just got to believe in yourself and trust God’s timing,” post ng dalaga.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …