Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola

Ayanna Misola, patok sa Kinsenas, Katapusan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAS na ngayon ang pelikulang Kinsenas, Katapusan na pinagbibidahan ni Ayanna Misola. Dito’y pinatunayan ng batang-batang sexy actress na hindi lang siya sa hubaran astig, kundi pati sa pagganap sa challenging na role.

Tampok din sa pelikula sina Joko Diaz, Jamilla Obispo, Janelle Tee, Angela Morena, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk GB Sampedro.

Si Conrado (Joko) ay isang successful businessman at may mabait at mapagmahal na asawa, at isang dalagang anak. Makikilala niya si Beth (Ayanna) online, isang batang babae na may madilim na nakaraan. Nagsimula lamang sila sa mga video call, at di nagtagal ay nagsimula na silang magkita nang personal.

Inilihim ni Conrad sa kanyang pamilya ang mga pagkikita nila ni Beth, hanggang sa bumisita si Beth sa kanilang bahay at madiskubre niya na si Beth ay kaibigan pala ng kanyang anak. Ngayon, hindi lang ang buhay ni Conrad, kundi pati ng kanyang pamilya ang nanganganib kapag nalaman niya ang madilim na katotohanan sa nakaraan ni Beth.

Ang Kinsenas, Katapusan ang film lead-role debut ni Ayanna, pagkatapos niyang lumabas sa mga hit na pelikulang “#Pornstar 2: Pangalawang Putok,” at “Siklo.”

Kaya feel the heat and thrill ng Kinsenas, Katapusan, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at America. 

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …