Sunday , April 14 2024
Cindy Miranda Iskandalo

Cindy Miranda, itinangging puro hubaran ang mapapanood sa seryeng Iskandalo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NILINAW ng Vivamax star na si Cindy Miranda na hindi accurate na sabihing mas marami pa raw ang hubaran sa seryeng Iskandalo, kaysa sa kuwento nito.

Bukod kay Cindy, tampok dito sina AJ Raval, Ayanna Misola, Angela Morena at baguhang si Andrea Garcia. Dadagdag din sa init ang dating FHM cover na si Jamilla Obispo.

Esplika ni Cindy, “Unang-una, mali po iyong haka-haka nila…. So, kailangan talagang panoorin nila iyong Iskandalo, dahil hindi mas marami yung hubaran dito.

Kailangan nilang panoorin, this is a roller coaster of emotions, lahat ay ibibigay namin, hindi lang yung nasa isip nila.

“So, sana ay panoorin nila bago nila i-judge itong Iskandalo, napakaganda po nito, hindi po natin kailangang i-judge agad ang isang series at hindi natin kailangang papangitin ang image nito.”

Aniya pa, “Ang gaganda ng mga kasama ko rito, pinaghirapan namin ito, so sana ay ma-appreciate nyo po.”

Idinagdag pa ni Cindy na dito’y natupad ang dream niya na sumabak sa action dahil gumaganap siya sa serye bilang si Patricia na isang detective, na handang gawin ang lahat para linisin ang pangalan ng yumao niyang ama at ni Em (AJ), isang social media celebrity na iba-bash ng netizens matapos mag-viral ang sex video nito kasama ang hindi kilalang lalaki.

Sa masusing pag-iimbestiga ni Patricia sa kaso ni Em, malalaman na ang mga may motibo sa buhay ni Em, kabilang ang ex-boyfriend niyang si (Sean De Guzman), isang avid fan (Ayanna), ang mismong best friend ni Patricia (Jamilla), isang Congressman (Jay Manalo), isang senador (Joonee Gamboa) at mga magulang ni Em (Carlene Aguilar at Arnold Reyes.) Samahan si Patricia sa paglutas ng kasong ito na may malaking koneksyon sa kaso ng kanyang ama.

Ang Iskandalo ay mula sa direksiyon ng pinakamaangas na direktor ng Vivamax, si Roman Perez Jr. (Taya, House Tour, Hugas, Siklo).

Nagsimula na ang seryeng Iskandalo sa Vivamax at sa mga gustong makasilip ng kakaibang pampainit at pangiliti, mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan

Rochelle inamin nakaramdam ng insecurity nang palitan sila ng EB Babes

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Rochelle Pangilinan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga, inamin niyang nasaktan sila …

Janella Salvador Karylle Showtime

Janella ipinagtanggol ni Karylle: She’s not feeling well…it meant nothing

MA at PAni Rommel Placente NAKAHANAP ng kakampi si Janella Salvador kay Karylle.  Ipinagtanggol kasi ng huli ang …

Jos Garcia

Int’l artist Jos Garcia suporta at pagtangkilik wish sa kanyang kaarawan

SIMPLENG selebrasyon lang ang naganap na birthday celebration ni Jos Garcia sa Japan kasama ang …

Taylor Sheesh

Impersonator ni Taylor Swift kinarate sa baba habang nagpe-perform 

MATABILni John Fontanilla TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang …

Ruru Madrid Black Rider

Bagong alyansa ng kasamaan haharapin ni Ruru

RATED Rni Rommel Gonzales THE war ain’t over yet para kay Black Rider, kaya naman tutok na …