Thursday , May 26 2022
Jamilla Obispo Iskandalo

Jamilla lumaklak ng collagen

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KAHAPON, Abril 10, 2022, Banal na Araw ng Palaspas, nagsimulang mag-stream ang bagong proyekto ni Roman Perez, Jr. sa Vivamax.

Ito ‘yung Iskandalo, ang 10-part erotic crime thriller na pinagbibidahan nina Cindy Miranda, AJ Raval,  Ayanna Misola, Angela Morena, Jamilla Obispo, at Andrea Garcia.

Matapos ang mahigit tatlong oras na tanungan at sagutan with the girls, ‘yun na nga ang inihain kong tanong sa kanila. Kung ano ang gagawin nila sa Linggo, Araw ng Palaspas o Palm Sunday na siya ring araw na sisimulan ang pagppalabas ng kanilang pelikula.

May nagsabi naman na magsisimba, kasama ang pamilya. May matutulog. Maglilinis ng bahay niya. At hihintayin ang pagdating ng inang ipagluluto sila ng masarap na pagkain. At paghudyat ng alas-dose ng hatinggabi, tututok na sila para manood sa pagsisimula ng kanilang serye.

Halos nagkakaisa rin sila sa pagsasabing maraming matututunan sa istoryang nabuo sa mga karakter nila sa Iskandalo.

Ang init ng mga eksena sa teaser/trailer.

Ang kuwento ng Iskandalo ay magsisimula sa pagkamatay ng isang sikat na batang artista na masasangkot sa isang viral sex scandal. Siya ba’y nagpakamatay sa hiya? Foul play ba? Kung foul play, sino ang pumatay sa kanya? ‘Yan ang iimbestigahan ng isang determinadong lady cop at madidiskubre niyang mas malalim ang dahilan ng krimen at ng sex scandal na kasasangkutan ng matataas na tao sa lipunan. 

Masusulit ng mga subscriber ng Vivamax ang kanilang panonood ng Iskandalo dahil 10-part series ito—Sampung linggong init at angas ang matutunghayan ng mga ka-Vivamax dahil ito ang scandal na hindi bawal. Hindi magpapaawat si AJ sa series na ito, kaya’t hindi kataka-taka na siya na ngayon at walang duda ang Pantasya ng Bayan ng kasalukuyang henerasyon. 

Siyempre, hindi magpapaiwan ang alindog ng ating mga baguhang sina Ayanna, Angela, at Andrea—kumbaga sa sakuna, Alert Level 5 ang kaseksihan na handa nilang ipakita.

Ito na raw ang #ScandalNaHindiBawal.

Habang nagtatagal, na nakikilala at umaalagwa ang mga babae ng Vivamax, lalo ring umaangat ang kinang nila sa pagsagot sa mga tanong na no-holds barred.

Oo, payag na payag silang magkaroon na ng eksena sa mga kapwa nila babae. Halikan. Intimate scenes pa. Physically, naa-appreciate rin nila ang kapwa babae nila. 

Kaya nga fearless sila nang tanungin kung may mga eskandalong dadaan sa mga buhay nila.

Sa limang sumalang, pinaka-vocal ang very straight in her views na si Cindy. Na nang gawin ang Nerissa ay nalagay sa kontrobersiya nang iturong dahilan sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Maayos na nadaaanan ito ni Cindy.

Ang mga mas bago sa kanya, gaya ni AJ ay palaban din. Bilang bahagi ng pamilyang nasa showbiz din, pinatunayan naman sa amang tama ang tinatahak niyang landas sa karera ngayon.

Si Angela na pamangkin ni Lara Morena, eh walong taon na palang hinihiling sa kanyang inspirasyong tiyahin na pagbigyan na siyang mag-showbiz. Nasagot na niya kasi ang tanong kung kaya ba niya.

Pinuna naman ang young-looking pa rin na si Jamilla. May sikreto ba? Tawa lang daw. Nagsasaya. Kahit stressed. At katakot-takot na paglaklak ng collagen.

Wala naman maisip na eskandalo sa buhay niya si Ayanna. At very much challenged kahit pressured sa mga kasama niya.

Gugustuhin niyo bang maeskandalo? Tuklasin kung paano itong hinarap ng mga kababaihan ni direk Roman.

About Pilar Mateo

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …