Thursday , June 4 2026
DILG BFP

12 BFP OFFICIALS SINAMPAHAN NG KASO
Sa P.4M-P8-M ‘slot-for-sale’ scheme, iregularidad sa fire safety inspection

ni ALMAR DANGUILAN

SINAMPAHAN ng mga kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 12 opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa pagkakasangkot sa talamak na ‘slot-for-sale’ scheme at mga anomalya sa fire safety inspection.

Sa pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang hakbangin ay bahagi ng kampanya ng administrasyon upang linisin ang hanay ng pamatay-sunog, itaguyod ang tapat na recruitment, at ibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya.

Ayon sa Kalihim, ang apat sa mga sinampahan ng kaso ay mula sa BFP Region 8, kabilang ang dating direktor na si Chief Supt. Adel Bautista, kasama sina Senior Supt. Joselito Samantal, Senior Supt. Randy Mendaros, at Supt. Doroteos Mocorro.

Batay sa imbestigasyon, ang mga naturang opisyal ay hinihinalang humihingi ng lagay na nagkakahalaga ng ₱400,000 hanggang ₱800,000 mula sa mga aplikante ng Fire Officer 1 (FO1) noong  2025 kapalit ng tiyak na slot sa serbisyo. Ang mga opisyal ay kasalukuyang nasa ilalim ng 90-araw na preventive suspension.

Samantala, anim na opisyal mula sa Region 10 ang hinainan ng kaso dahil sa pag-aproba sa mga aplikante kahit walang kaukulang medical at physical clearances, habang dalawang tauhan sa Region IV-A ang nahaharap sa reklamo dahil sa paglabag sa mga protocol ng fire safety inspection.

Ayon kay Remulla, maging ang kanyang asawa ay naging biktima ng mga mapagsamantalang inspector sa isang 30-square meter na klinika.

“Imagine, ini-require ng tatlong fire extinguisher… samantala may sprinkler na ang gusali,” pahayag ni Remulla, bilang patunay ng hindi makatuwirang panuntunan ng ilang tauhan ng BFP.

Kaugnay nito, ibinunyag ng DILG na ang “slot-for-sale” scheme ay may 20 taon na umanong umiiral sa kawanihan. Sa kasalukuyan, may 40 pang pangalan ang isinasailalim sa case build-up bilang bahagi ng malawakang crackdown.

“Kailangan nating wakasan ang kulturang ito ng korupsiyon sa loob ng BFP. Sapat na, tama na,” mariing pahayag ni Remulla.

Tiniyak din ng DILG na magpapatuloy ang imbestigasyon hanggang mapanagot ang lahat ng sangkot at matiyak na tanging mga kalipikadong indibiduwal lamang ang makapapasok sa serbisyo ng bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …