Monday , July 4 2022
Ayanna Misola Janelle Tee Putahe

Ayanna big challenge ang lovescenes kay Janelle 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBINIGAY na raw lahat ni Ayanna Misola for Putahe movie. Bilang paghahanda na rin sa susunod niyang mas malaking proyekto sa pagsalang niya sa Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili na ginawa noon ni Dina Bonnevie.

No boyfriend muna, kahit pa manliligaw for Ayanna now. Kahit ang daming umaaligid sa kanya.

How she did it with her lovescenes with Janelle Tee?

Big challenge po. Kahit magkakilala at nagkaka-bonding na kami ni Ate Janelle, sa shoot ang dami ko ring inalala. Kasi walang koryente. Ang tubig iigibin pa para makarating sa amin. Siyempre, lovescenes, halikan, ganoon. Gusto mo naman mabango ka para sa mga makaka-eksena mo. Ayun. Nagawa naman namin ng maayos lahat. Hindi po ba  naamoy na wala akong shampoo? O mas naging natural pa? Panatag na lang kaming dalawa sa trust sa isa’t isa na kailangan naming gawin ng tama ang lahat ng sinasabi ni direk. Even with the boys.”

So many symbolisms were used in the movie. Sa mga pagkain. O putaheng inihahain. At ang dalawang babaeng magkaibang putahe pero parehong pinagnasaan ng parehong kasarian.

Si Janelle, na kabado rin at nag-worry din sa image niya was very proud sa kinalabasan ng mga eksena niya.

She wore pink at the advanced screening, para lang sabihing isa pa rin siyang tunay na babae.

Walang eksenang makao-offend sa babae man o lalaki o kahit pa sa mga kapatid nating LGBTQIA. 

LSS sa akin ang Victor song na Kay Lupit Mo Pag-Ibig. Brought back childhood memories. Naging movie pa nila ‘yan nina Aurora Salve at  Rhodora Silva. Under YLY Productions.  Alam ko? Yes! Basta!

About Pilar Mateo

Check Also

Blind Item, Mystery Man in Bed

Ilang male stars inilalako ng Malate pimp sa mga bading

ni Ed de Leon KABILANG ang ilang male stars at maraming personalities na rin na winners umano …

The Juans KDR Music

KDR Music ni Kuya Daniel magpo-produce ng concert

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, talagang pinasok na ng KDR Music ni Kuya Daniel Razon ang produksiyon ng mga …

AMBS

Channel 2 ng AMBS magbubukas na

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWANG isipin na sa mga dalawang buwan mula ngayon, muling magbubukas …

Allen Ansay Sofia Pablo

Allen at Sofia nilalanggam sa ka-sweetan

I-FLEXni Jun Nardo HAYAGAN na ang pagpapakilig  sa social media ng Sparkle artist na si Allen Ansay sa fans …

Alden Richards

Pandesal pictorial ni Alden makalaglag-panty 

I-FLEXni Jun Nardo LAGLAG-PANTY na, tulo-laway pa ang mga girl, matrona at bekis nang i-flex …