Saturday , April 13 2024
Roman Perez Jr Celso Ad Castillo

Roman Perez, Jr., Celso Ad Castillo ng bagong henerasyon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KAY Lupit Mo Pag-Ibig. Kanta ni Victor Wood ang agad na rumepeke sa pagbubukas ng istorya ng pelikulang Putahe ni direk Roman Perez, Jr. na tiyak pagkakaguluhan ng mga manonood.

Dalawang artista ng Viva ang mapapansin sa mga ginampanan nilang karakter. Ang island girl na si Ayanna Misola at ang city babe na si Janelle Tee. Nandoon ang guys-like Massimo Scoffield, Chad Solano, Nathan Cajucom, Jiad Arroyo at may suporta nina Tabs Sumulong at Hershie de Leon

Ang great actors na sina Mon Confiado at Ronnie Lazaro ay nagdagdag kulay din sa buhay na inikutan  ng mga katauhan sa Isla Pwerta.

Noon pa man, sinasabi na ni direk Roman, na nais niyang maging Celso Ad Castillo. Ang premyadong direktor ay gumagawa ng mga pelikulang sumasalamin sa realidad ng mga nangyayari sa paligid niya—nasa gubat man ito, sa siyudad, sa gitna ng masasalimuot na mga pangyayari o sitwasyon.

Unti-unti, sa mga proyekto niya, achieved na ni direk Roman ang nais niyang gawin.

Nagkalat ang mga eksenang hubad sa pelikula. Pero ipagpapasalamat ang mga artistikong kuha ng kanilang D.O.P. o Director of Photography sa kabuuan nito. Dahil maaamoy ang kasulok-sulukang lugar ng mga pinangyayarihang tagpo sa eksena. Ang linaw ng tubig at simoy ng hangin sa isdang hanggang ngayon eh, hindi namin matukoy kung ano, sa eksena ni Ayanna. Na pinaglalaruan ito para bigyang-laya ang emosyon sa kasulok-sulukan naman ng hinahanap ng kanyang pagka-babae.

Ang gender-fluid na pelikula ay nagpakawala rin sa paghahanap ng mga kasagutan sa isip at sa puso ng mga karakter sa mga intensyong niyakap nila.

Pagkakakulong. (In their mindset and beliefs). Pagpapalaya. (In finding out true-blue realities of life).

Ang ganda ng rehistro ni Ayanna sa bigscreen. Promding-promdi ang island girl. Na tinapatan naman ng tapang ng personalidad ni Janelle.

Mahusay na natahi ni Direk at nang sumulat ng istorya ang Putahe. Mayroon lang iniwan sa isip ng manonood sa pagkawala ng karakter na si Elise at nang pinagsuspetsahan sa nangyari rito.

About Pilar Mateo

Check Also

Rochelle Pangilinan

Rochelle inamin nakaramdam ng insecurity nang palitan sila ng EB Babes

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Rochelle Pangilinan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga, inamin niyang nasaktan sila …

Janella Salvador Karylle Showtime

Janella ipinagtanggol ni Karylle: She’s not feeling well…it meant nothing

MA at PAni Rommel Placente NAKAHANAP ng kakampi si Janella Salvador kay Karylle.  Ipinagtanggol kasi ng huli ang …

Jos Garcia

Int’l artist Jos Garcia suporta at pagtangkilik wish sa kanyang kaarawan

SIMPLENG selebrasyon lang ang naganap na birthday celebration ni Jos Garcia sa Japan kasama ang …

Taylor Sheesh

Impersonator ni Taylor Swift kinarate sa baba habang nagpe-perform 

MATABILni John Fontanilla TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang …

Ruru Madrid Black Rider

Bagong alyansa ng kasamaan haharapin ni Ruru

RATED Rni Rommel Gonzales THE war ain’t over yet para kay Black Rider, kaya naman tutok na …