Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla
Robin Padilla

Robin ayaw mabaon sa utang at maging corrupt

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

NAG-AAMBISYON pala si Robin Padilla na maging governor ng Camarines Norte (na balwarte ng mga Villafuerte), pero napag-alaman n’yang P150-M ang kailangang budget ng isang kandidato para sa ganoong posisyon para makatiyak ng panalo kaya’t biglang nagbago ang isip n’ya. 

Akala n’ya ay P10-M–P20-M lang ang kailangan niyang budget sa kampanya at makakaya na n’yang malikom ‘yon sa iba’t ibang paraan–kabilang na ang pagbebenta ng ari-arian nila ng misis n’yang si Mariel Rodriguez at pangungutang sa mga tao na malaki ang pagtitiwala sa kanilang mag-asawa. 

Mahabang lahad ng aktor sa interbyu sa kanya ng asawang si Mariel  para sa YouTube channel nito: “Nagparehistro pa nga ako sa Bicol kasi ang nasa isip ko, P10-M, P20-M , siguro kaya naman utang-utangin ‘yon.

“Twenty million, mayroon ka naman naitago, hindi naman ako naniniwala na ginastos mo lahat.

“Sinabi sa akin, P150-M [ang kailangan] sa local government, governor.’ Yun pa raw ang pinakamaliit.

“Sabi ko, ‘Teka muna!’ Ibig mong sabihin, kung magbebenta ka ng ari-arian para pondohan ‘yung pagkandidato na ‘yon, sabihin na natin na nanalo ka…”

May dugtong pa sana ang analysis ni Robin pero si Mariel na ang nagsalita.

Sundot ng dating It’s Showtime host: “Ako na ang magsasabi. Ang mangyayari, mapipilitan ka talagang maging corrupt kasi babawiin ‘yung bahay.

“Alangang pumayag na lang ako, ibinenta natin ‘yung mga ari-arian natin, tapos nawala na lahat dahil ikinampanya natin. O ‘di ba, siyempre kailangan bumalik ‘yon.

“Doon ngayon papasok ‘yung corruption!”

Dahil hindi na matutuloy ang pagkakandidato ni Robin sa Camarines Norte, humingi ng paumanhin si Robin  sa mga kababayan na umasang tatakbo siya sa eleksiyon sa susunod na taon.

Saad niya, “Hindi tama, so nagdesisyon na ako.

“Kaya sa mga kababayan po natin sa Camarines Norte, patawarin niyo po ako na hindi ko po kaya.

“Kung gusto ko pong magdala ng pagbabago sa inyo, dapat, umpisa pa lang. Pagpasok ko pa lang, pagbabago na kaagad.

“Hindi ‘yung mangangako ako, ganito, ganito, ganito, bola ‘yon.”

Sinamantala naman ni Mariel ang pagkakataon para linawin sa lahat na mali ang akala na inuubos niya ang pera ng kanyang asawa.

Giit ni Mariel, “I-clear natin sa kanila na ‘yung pera ko, pera ko. ‘Yung pera mo, pera mo.

“Pero siya [Robin] ang nagbibigay ng para sa amin dito sa bahay.

“Pero ‘yung mga luho ko, lahat ng mga damit na binibili ko na mamahalin sa mga anak ko. But anything luxury, anything out of the necessity, sa akin ‘yon galing.

“Kasi minsan, sinasabi nila, baka inuubos ko raw ‘yung pera mo.

“Itong mga kalokohan ko, akin ‘yon ‘no! Hello!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …