Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Alyas Tulok timbog sa P.2-M shabu sa Marikina City

ARESTADO ang isang 39-anyos lalaki, kilala sa alyas na ‘Tulok’ na pinanini­walaang talamak sa pagtutulak ng droga, sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), noong Sabado ng gabi, 29 Agosto, sa lungsod ng Marikina.

Kinilala ni P/Col. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina police, ang nadakip na suspek na si Rolando Turalba, Jr., alyas Tulok, 39 anyos, residente sa #36 CM Recto St., Barangay Parang, sa naturang lungsod.

Dakong 6:30 pm kamakalawa nang ikasa ng mga tauhan ni P/Capt. Fernildo de Castro, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa Ephesians St., Barangay Concepcion-Uno, laban sa suspek.

Nagpanggap na buyer si P/Lt. Antonio Balois, Jr., gamit ang buy bust money at nakipagkasundo sa suspek na kaniya umanong bibilhan ng shabu.

Matapos ang palitan ng droga, inaresto ng mga operatiba ang suspek at nakuha mula sa kaniya ang siyam na maliliit at apat na medium transparent plastic sachet ng droga na may bigat na 40 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P272,000, isang Yamaha Mio-125 motorsiklo, at buy bust money.

Ayon sa mga awtoridad, matagal nilang isinalang sa surveillance ang raket ng suspek na itinuturong notoryus na tulak sa lungsod.

Gamit umano ng suspek ang motorsiklo sa kaniyang ilegal na negosyo para mabilis na matakasan ang mga awtoridad kung siya’y masusukol.

Dagdag ni Arcangel, ilang drug personalities na ang kanilang nadakip at naikulong sa mas pinalakas na isinasagawa nilang anti-illegal drugs campaign.

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek sa detention cell ng pulisya sa lungsod at dinala sa EPD Crime laboratory ang mga ebidensiya para sa chemical analysis.

Nakatakdang kasuhan si Turalba ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng RA 9165 sa Marikina City Prosecutor’s Office.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *