Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chef Logro at Chynna, balik-Idol sa Kusina

MAY special run ng fresh episodes ang cooking show na Idol sa Kusina at mapapanood ito sa GMA-7 simula ngayong Linggo (August 16) ng umaga.

 

Ito ‘yung mga na-tape na episodes nina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza bago ipatupad ang community quarantine. Special guest nila sa fresh episode ngayong Linggo si Vaness del Moral na susundan naman ni Mika Gorospe sa August 23.

 

Isa ang Idol sa Kusina sa long-standing programs ng GMA News TV. At last July pala ay ika-9 na taon na nito sa telebisyon. Sayang at dahil na rin sa pandemya ay hindi gaanong makapag-celebrate sina Chef Boy at Chynna.

 

Pero kahit walang anniversary episodes ang show, happy pa rin ang hosts dahil nananatiling malakas ang kanilang show. Mas mahalaga nga naman ang pagiging safe ng bawat isa sa panahon ngayon. At dahil stay at home pa rin tayo, maraming matutuwa sa mga inihandang putahe nina Chef Boy para sa Idol viewers.

 

Mapapanood ang new episodes ng Idol sa Kusina simula ngayong Linggo (August 16), 10:05 a.m. sa GMA-7.

 

Para naman sa mga yummy throwback episodes, tutok pa rin sa GMA News TV sa original timeslot ng programa tuwing Linggo, 7:50 p.m..

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …