Saturday , November 16 2024
Philhealth bagman money

Plunder vs Philhealth officials – solon (Sa nawawalang P153-B pondo)

PLUNDER ang dapat ikaso laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa natuklasang eskema kaugnay ng nawawalang mahigit P153 bilyon sa kaban ng ahensiya.

“And I submit to this committee, this in fact is plunder. ‘Yung bilyon-bilyong nawala ay plunder. At ang rekomendasyon ko kasuhan hanggang sa regional level dahil lalabas po riyan kung sinong ospital ang nakinabang, sinong kakutsaba dahil malinaw naman ang record ng Commission on Audit (COA) at madali itong maimbestigahan,” ani Defensor  sa pagdinig ng dalawang komite sa Kamara kahapon.

Inilarawan ni House committee on public account chairman Mike Defensor ang modus operandi ng mafia sa PhilHealth sa pamamagitan ng all case rate policy.

“For Philhealth, this is the scheme of…sinasabing mafia because we know that on the regional level mayroon po kayong tinatawag na benefits regional claim na committee. At ‘yun po ‘yan, dahil nga may case rate setup, ibibigay na lang ‘yun sa finance,” ani Defensor.

Paliwanag ni Defensor: “…pagdating sa finance walang tanong-tanong dahil submitted ng region babayaran kaagad at pagdating po riyan lalabas na ang pondo para sa mga hospital.”

Aniya, napakabilis ang pagbabayad ng PhilHealth sa mga ospital sa mga rehiyon lalo sa mga pribadong pagamutan samantala ang mga government hospital ay pahirapan ang kanilang pagbabayad.

“Dahil ba rito sa eskema o scheme ng sinasabing mafia na kapag mayroong usapan sa isang region o ang isang regional officer sa isang ospital at may usapan sa taas, mabilis ang magiging bayaran?” tanong ni Defensor.

Sa naturang pagdinig, nabatid na mula 2013 hanggang 2018 gumastos ang PhilHealth ng P512 bilyon sa ‘all case rate policy’ at sa nasabing halaga ay mahigit P153 bilyon ang nawala sa gobyerno dahil sa natuklasan ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa P102 bilyon ang overpayment at P51 bilyon ang nauwi sa korupsiyon.

Sa nasabing pagdinig, lumalabas na ang pneumonia, gastroenteritis, urinary tract infection, at kalaunan ay dialysis patients na ang malimit o paboritong pagkakakitaan ng mafia sa PhilHealth at mga kasabwat na hospital.

Ayon kay Defensor, 2013 pa lamang, bilyon-bilyon ang binabayaran ng PhilHealth sa mga sakit na pneumonia, gastroenteritis, UTI, at sa dialysis ng mga pasyente.

Pagdating ng 2014, P7.6 bilyon ang ginastos ng PhilHealth sa pneumonia; P1.5 bilyon sa UTI at P1.3 bilyon sa Gastroenteritis at nadagdagan pa ng eskandalo sa cataract operation na ginastosan ng P3.7 bilyon.

Noong 2015, umakyat sa P9.7 bilyon ang binayaran ng PhilHealth sa pneumonia; P2.5 bilyon sa gastroenteritis; P2.1 bilyon sa UTI; at P6 bilyon sa dialysis at bahagyang bumaba sa 2016 na mas bigla ang pagtaas ng binayaran sa dialysis dahil umaabot sa P8 bilyon ang ginastos.

Noong 2017, umabot sa P10.2 bilyon ang binayaran ng PhilHealth sa pneumonia; gastroenteritis, P1.8 bilyon;  UTI,  P1.5 bilyon ngunit kinuwestiyon ni Defensor ang datos ng PhilHealth dahil umaabot sa 707,000 ang nagkasakit ng pneumonia gayong ang nasa record ng Department of Health (DOH) ay 454,000 lamang ang nagsakit nito noong 2017.

“‘Yan po ay tanong ko rin sa DOH. Bakit hindi po nila nakita? 454,000 ang may sakit ng pneumonia sa DOH, sa Philhealth 707,000, at P10.2 bilyon ang binayarang pondo para riyan,” ani Defensor.

“Ang dialysis po natin naging consistent na at 1.6 million claims from 800 claims in the past,” ani Defensor ngunit hindi sinabi kung magkano ang binayaran ng PhilHealth sa nasabing sakit.

Lalong nadagdagan ang dialysis claims sa PhilHealth noong 2018 dahil umabot ito sa 2.2 milyon mula sa 1.6 milyon noong 2017 at tumaas umano sa P2 bilyon ang binayaran sa gastroenteritis at P2.1 bilyon naman sa UTI. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *