Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Tigil sesyon muna” panawagan ng solon na infected ng CoVid-19

NANAWAGAN sa liderato ng Kamara ang isang kongresista na tinamaan ng CoVid-19 na itigil muna ang sesyon sa Mababang Kapulungan habang wala pang maayos na pamamaraan upang mapigilan ang paglaganap ng virus sa Batasan Complex.

“I fully support the idea to suspend the sessions once all COVID-19 mitigation measures have been passed,” ani Deputy Speaker at Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel kahapon.

“Every week, the cases of COVID are rising in Congress,” aniya.

Patuloy ang pagdami ng kaso ng CoVid-19 sa Kamara mula nang nagbukas ang second regular session ng 18th Congress noong 27 Hulyo.

“If not, perhaps we can do a Zoom meeting on all the sessions to prevent the spread of the virus,” suhestiyon ni Pimentel.

Marami ang lumabas na positibo sa CoVid-19 sa testing bago magtalumpati ang pangulo sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) noong 27 Hulyo.

Kasalukuyang nagsesesyon ang Kamara mula Lunes hangang Miyerkoles na iilan ang pisikal na nandoon habang ang karamihan ay sumasali sa pamamagitan ng video conferencing.

Ika-14 araw na ni Pimentel sa quarantine kahapon.

“I’m doing fine, (Monday) is my 14th day (of quarantine). OK na ako (I’m OK now),” aniya.

Ngayon (Martes), naka-schedule ang mababatas na mag swab test.

Inaasahan na iaaprub ng Kamara ngayong linggo sa pangatlo at huling pagdinig ang House Bill (HB) No. 6953 o ang “Bayanihan to Recover as One Act,” ang  ‘sequel; ng “Bayanihan to Heal as One Act.”

Ang HB No.6953 ay magbibigay ng pondo na aabot sa P162 bilyon para sa “CoVid-19 response measures,” kasama ang P10.5 bilyon para sa karagdagang healthcare workers at benepisyo sa mga medical frontliners. (GERRY BALDO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …