Saturday , December 21 2024

P17-M ecstacy nasabat sa Pampanga 5 suspek timbog sa entrapment

TINATAYANG nasa P17-milyong halaga ng mga tabletang ecstacy na itinuturing na imported drugs ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang controlled delivery entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 4-A at Region 3, BoC Clark, DEU3, at Lubao PNP sa pamumuno ni P/Lt. Col. Michael John Riego, noong Sabado ng gabi, 8 Agosto.

Arestado ang mga suspek na kinilalang sina Katrina Legaspi, 36, alyas Charmaine Valencia Bacani; Joshua Bautista, 20, hairdresser; Raphy Serrano, 30; pawang mga tagabayan ng Guagua, lalawigan ng Pampanga; William Manansala, 41; at Patrick Pangan, 35, kapwa mula sa bayan ng Lubao, sa naturang lalawigan.

Nagmula ang mga kontrabando sa The Netherlands na ipinadala ng isang Daniel Edmond Bruce sa dalawang consignee na si Legaspi, nadakip sa harapan ng Morzan Hardware; at Bautista na nasakote sa harapan ng Petron gasoline station sa San Roque Dau 1st, sa bayan ng Lubao, lalawigan ng Pampanga.

Kasalukuyang nasa PDEA 3 custodial facility ang mga nadakip na suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa laban sa kanila.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *