SUSPENDIDO pansamantala ang operasyon ng Consular Affairs Office sa Aseana, Parañaque City at ilang consular offices sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA)ang nasabing suspensiyon ay alinsunod sa mga alituntunin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Suspendido rin ang operasyon ng Consular Offices sa Malolos, Dasmariñas, Laguna, at Antipolo simula bukas 4 Agosto hanggang 18 Agosto 2020.
Ang mga passport applicants na may confirmed appointments sakop ng nasabing mga petsa ay maaaring ma-accommodate sa 19 Agosto hanggang 30 Septyembre 2020 sa panahon ng office hours.
Gayondin ang Authentication, Civil Registration, at iba pang consular services ay tatanggapin pagkatapos ng suspensiyon.
Magkakaroon umano ng delays sa production at passport delivery nationwide dulot ng COVID-19 pandemic.
Humingi ng pang-unawa ang kagawaran dahil pinaha-halagahan nito ang publiko at mga empleyado ng DFA habang umiiral ang Modified Enhance community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila. (JAJA GARCIA)