Saturday , November 16 2024

14 Pinoy seafarers sa Brazil nagpositibo sa COVID-19

LABING-APAT pang Pinoy seafarers na nasa Brazil, ang nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Brazil Philippine Ambassador Marichu Mauro.

 

Sa report, sinabing nasa 11 seafarer ang naka-recover, 2 ang nananatili sa ospital at isa ang pumanaw.

 

“Mayroon tayong Filipno seafarers, hindi po sila nakatira rito sa Brazil ngunit dumaong ang ship sa Brazilian ports, mayroon po tayong mga 14 Filipino seafarers who were found out to be COVID positive,” ani Mauro.

 

Sinabi ng naturang opisyal, bagama’t marami ang kaso ng COVID-19 sa Brazil, kakaunti lang ang mga naitalang kaso para sa mga Pinoy.

 

Wala aniyang tinamaan ng virus sa mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho mismo sa Brazil.

 

Aniya, patuloy ang monitoring sa sitwasyon ng mga OFWs sa Brazil sa pamamagitan ng kanilang honorary consuls.

 

Aniya, bukas ang kanilang mga tanggapan para sa mga hinaing o paghingi ng tulong sa hanay ng mga Filipino doon lalo sa ilan na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga restaurant, hotels at iba pang negosyo sa Brazil dulot ng pandemya.

 

Ilang Pinoy aniya ang nagpahiwatig na gusto nang umuwi ng Filipinas, kung kaya’t nakikipag-ugnayan na ang Embahada sa Department of Foreign Affairs (DFA) para matulungan sila.

 

Pinaalalahanan ang mga Pinoy sa naturang bansa, na iwasan muna ang pagbiyahe para hidi mahawaan ng virus. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *