Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kongresista, house staff positibo sa Covid-19 tests (Bago ang SONA)

DUMAMI ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa Mababang Kapulungan matapos dumaan sa mga pagsusuri, dalawang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Unang inihayag ni House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na nagpositibo siya sa COVID-19 test.

 

Aniya, nalaman niya ang resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) sa tawag ng doktor ng Kamara nitong linggo ng gabi.

 

Walang sintomas si Pimentel at ngayon sumailalim sa self-quaratine sa kanyang bahay.

 

Sa patuloy na pagsasagawa ng tests sa mga mambabatas, opisyal, at staff members sa Kamara bago ang SONA napag-alamang 13 pa kasama ang tatlong presidential security guard, apat na taga-Kamara at tatlo mula sa Internal House Affairs Office (IHAO) sa Malacañang ang positibo sa COVID-19.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …