Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eksplosibo ‘napulot’ ng rider

NATAGPUAN ng isang motorcycle rider ang anim na ikinokonsiderang ‘explosives’ o bala para sa grenade launcher habang patungo sa pinapasukang construction site, sa barangay Napindan, Taguig City, linggo ng hapon.

Base sa inilabas na ulat kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO), natukoy na ang anim na M203 ammunition ay para sa Grenade Launcher na iniwan sa gilid ng kalye na nakasilid sa isang pouch bag na tela.

Habang patungo sa Toyo Construction Site dakong 5:50 pm nitong Linggo,  26 Hulyo, ang security guard na si James Demafelis, 40 anyos, ng Kalawan, Pasig City, napansin ang green pouch bag kaya hinintuan at inalam ang nasa loob.

Nakita niya ang pampasabog kaya agad ipagbigay-alam sa Napindan Maritime Police Precinct na nasa loob ng compound ng Toyo Construction Site.

Naipasa ang naturang explosives sa Explosive Ordnance Division ng Taguig Police para sa safekeeping at proper disposition. (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …