ISANG araw matapos tanggihan ng liderato ng Kamara ang pagsasagawa ng mass testing sa mga empleyado nito, namatay ang isang 52-anyos lalaking kawani, pangatlo, dahil sa COVID-19.
“We are deeply saddened to know that he passed away early this morning,” ani House Secretary General Atty. Jose Luis G. Montales.
Ang namatay ay 52-anyos na nakatalaga sa Bills and Index Service.
Ang naturang empleyado ay huling nagpunta sa Kamara noong 29 Hunyo para magsumite ng ilang dokumento.
“May he rest in peace. Our prayers for his loved ones during this difficult time,” ani Montales.
Ang unang biktima sa House of Representatives ay namatay noong 16 Marso at ang pangalawa ay noong 21 Marso.
Ayon kay House Deputy Secretary General for Administration, Dr. Ramon Ricardo Roque tinanggihan ng kamara ang mass testing matapos magkonsulta sa health experts.
“Ang sinasabi ng doctors of medicine, based on the research, sa tulong din ng UP (University of the Philippines), ‘yung testing kapag hindi mo nauulit, medyo hindi masyadong conclusive,” ani Roque. (GERRY BALDO)