Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naaksidenteng stuntman na muntik nang malumpo, lihim na tinulungan ni Angel Locsin

BUKOD sa malakihang pagtulong tuwing may kalamidad, may mga pribadong pagtulong pa palang ginagawa si Angel Locsin na hindi nababalitaan ng madla dahil hindi naman siya nanghihingi ng kahit anong klaseng suporta mula sa publiko para sa mga pribadong pagtulong n’ya.

Ten years ago ay may lihim na tinulungan ang aktres na isang stuntman na naaksidente sa isang pangyayaring walang kaugnayan sa trabaho n’ya sa telebisyon. Napinsala ang isang mahabang buto sa hita n’ya at kailangan n’ya ng pangastos na operasyon para di siya malumpo. Sinagot ni Angel ang lahat ng gastos sa ospital at nakalakad at nakapagtrabaho uli ang stuntman pagkatapos ng operasyon at rehabilitation n’ya mula sa mga pinsalang nangyari sa kanya.

Jonar del Rosario ang pangalan ng stuntman na nakatrabaho ni Angel sa seryeng Imortal sa ABS-CBN. Pero ‘di si Jonar mismo ang nagbunyag ng lihim na pagtulong sa kanya ni Angel.

Ang stunt director na si Lester Pimentel Ong ang nagbahagi sa Facebook n’ya kamakailan sa lihim na pagtulong ng aktres kay Jonar.

Heto ang mahaba-habang post ni Lester sa Facebook kamakailan bilang paggunita sa nangyari:

“Gusto ko lang share ang experience ko working with this person. There was one time, isa sa mga stuntmen namin got heavily injured, naputol ang pinakamalaking buto nya sa hita sa isang aksidente na hindi work related. 

“Ang pobreng stuntman, naospital sa orthopaedic center ng mahigit isang buwan, ubos ang ipon at malaking chance hindi na siya makakalakad muli dahil hindi na niya afford ang mga susunod pang operation na kailangan gawin…

“One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan naka-confine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya…kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman.

“Agad nyang binayaran ang bill, nagiwan ng pabaon at encouraging words sa pamilya,then she left….

“Siya si Angel Locsin, she is the real life Darna…hero sya kahit sa likod ng camera, kahit walang nakatingin at walang nakakaalam…”

 

Naiulat na rin ito kamakailan sa online magazine na Esquire Philippines na may mga litrato si Jonar kasama ang cast at crew ng Imortal. Nasa larawan din si Angel. May Facebook din si Jonar, kung gusto n’yong makita kung ano ang hitsura n’ya ngayon.

Dahil hindi naman umaatikabo ang mga trabaho sa telebisyon at pelikula, mas abala ngayon sina Jonar at Lester sa pagnenegosyo. Kilalang food entrepreneur na sa bansa si Lester dahil may-ari siya ng isang fast food chain.

Samantala, parang natigil muna sa pagkakawanggawa si Angel dahil ang inaasikaso n’ya ay ang pagpupunyagi na maibalik ang broadcast franchise ng ABS-CBN. Nagiging kontrobersiyal na nga siya dahil sa paninindigang n’ya at marubdob na pang-eengganyo sa lahat ng artista ng ABS-CBN na matinding ipahayag ang pagtutol nila sa ‘di pagri-renew ng Congress sa prangkisa ng Kapamilya Network.

Pati ang pagpapakasal nila ng boyfriend n’yang si Neil Arce ay naudlot na dahil sa aktibismo n’ya at dahil na rin sa pandemya. Gayunman, kasama na n’ya nang mahigpit sa aktibismo si Neil na isang independent film producer.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …