HALOS hindi na yata nagpapahinga si Heart Evangelista mula sa pag-aabot ng tulong sa mga filipinong apektado ng Covid-19 pandemic. Kasalukuyan niyang sinasamahan sa probinsiya ng Sorsogon ang asawa at governor na si Chiz Escudero para mamahagi ng donations.
Kamakailan, ibinahagi ni Heart sa kanyang latest vlog ang mga ginawa ng kanyang team sa Sorsogon, katulad ng personal niyang pagbibigay ng wheelchair sa isang stroke patient na lola. Bukod sa pagtulong, ine-enjoy din ni Heart ang mga magagandang tanawin at tourist spots sa probinsiya.
Mapapanood din sa vlog ang kanyang pamimili ng iba’t ibang klase ng home decor na proudly Pinoy-made. Saludo talaga kami sa’yo, Heart!
COOL JOE!
ni Joe Barrameda