PAYAGAN n’yo ang inyong sarili na magkaroon ng kakaibang karanasan sa musika sa darating na Linggo, July 26, 4:00 p.m.. Manood at makinig kayo ng demo (na hindi rally!) kung paano tinutugtog at ano ang natutugtog ng musical instrument na kung tawagin ay “bassoon.” Mapapanood ‘yon sa PPO Facebook page.
Ang bassoon ay bahagi ng banda at ng symphony orchestra. Iba rin ito kaysa instrumentong kung tawagin ay “bazooka.” Pero magkapareho sila na may mouthpiece na kailangang hipan para tumunog. Gayunman, ang bassoon ay isang woodwind instrument (mainly made from expensive wood) samantalang ang bazooka ay gawa sa metal na brass (o copper).
Ang bassoon ang musical instrument na may pinakamababang nota. Nagagaya nito ang tunog ng barkong paparating na o papaalis. Kuhang-kuha rin ng bassoon ang pag-unga ng baka.
Pwede sa horror movie o sa comedy ang tunog ng bassoon. Ang totoo pa n’yan ay maraming eksena sa lumang cartoons natin ang gumagamit ng musika ng bassoon o ang variation nito na ang tawag ay contrabassoon.
Sina Adolfo Mendoza at Frenvee Andrea ang musicians na magde-demonstrate ng pagtugtog ng bassoon. Ang demo nila ay bahagi ng proyekto ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na binansagang nilang “instrument petting zoo.”
Dating ginagawa ang proyekto ng live sa CCP tuwing off-season ng pagkokonsiyerto ng PPO sa CCP at sa iba pang lugar, pati na sa mga probinsiya (na madalas ay libre lang, ‘di kailangang bumili ng ticket). Para sa mga bata ang main intention ng CCP at PPO para sa kanilang instrument petting session, kahit na bukas din ‘yon sa mga adult na mahilig sa band at orchestra music.
Ekspertong bassoon players na sina Adolfo at Frenvee na parehong lalaki (pero sinisiguro namin sa inyo na may mga babaeng bassoonist din dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na miyembro ng mga banda at symphony orchestra). Nagkahilig sa bassoon sina Adolfo at Frenvee kaya’t nag-aral din sila nang matagal para maging dalubhasa sa bassoon.
Graduate ng Bachelor of Music in Bassoon Performance si Adolf sa University of Santo Tomas Conservatory of Music bilang estudyante nina Prof. Romeo Verayo at Prof. Arnaldo Custodio. Pagkatapos n’ya ng college ay nagsanay pa siya uli sa NHK Symphony Orchestra sa Japan na sa paglaon ay naging principal bassoonist siya ng nasabing symphony orchestra.
Nagtamo si Adolf ng master’s degree in bassoon performance sa pagtuturo naman ni Prof. Koji Okazaki sa Elizabeth University of Music sa Hiroshima, Japan. Later, became a full scholar at the Hong Kong Academy for Performing Arts under Prof. Kam Sui, principal bassoonist of the Hong Kong Philharmonic Orchestra.
Adolfo finished his Doctor of Musical Arts (D.M.A) at Texas Tech University in Texas, U.S.A. in 2016 under Prof. Richard Meek.
Si Adolfo ay naitampok sa CCP’s Filipino Artists Series noong September 2002. He is the Music Director and Conductor of the Lyceum Northwestern University Chorale and the Balon Dagupan City Government Chorale. He is also the founder and the president of the Pandaragupan Youth Orchestra, Inc., as well as the founder and music director of the Philippine Pops Orchestra.
Pangunahing (principal) bassoonist siya ngayon ng PPO at faculty member ng Sta. Isabel College of Music at conductor ng Trinity University of Asia Symphonic Band.
Sa kabilang banda, si Andrea ay nagtapos din ng Bachelors in Music Degree in Bassoon Performance sa UST, sa pagtuturo ni Prof. Severino Ramirez. He also studied under John Mostard and Adolfo Mendoza.
He pursued his Master’s Degree from Elisabeth University of Music in Hiroshima under the legendary bassoonist Koji Okazaki, Principal Bassoonist of NHK Orchestra.
He founded the I-House Woodwind Quintet in Hiroshima. He was also the Bassoon Principal of the Hiroshima Festival Orchestra in 2001 and Instructor of Bassoon with the Hiroshima Junior Orchestra.
Si Frenvee ang saxophone and bassoon instructor ng Annual National Music Camp sa the National Arts Center sa Makiling, Laguna.
He was the principal Bassoon of the Manila Philharmonic Orchestra in The Orchestra Festival of Japan in 2014.
A former principal bassoonist of the ABS-CBN Philharmonic Orchestra, he is now a member of the PPO and conductor of Lyceum of the Philippines University Cavite Symphonic Band. He is the Music Director of the Sta. Cecilia Band 89 City of General Trias Cavite.
He now also leads the newly formed Gentri Youth Symphonic Band which he co-founded with the City of General Trias.
May kasamang question and answer session ang instrument petting session. Filipino/Tagalog kung magsalita halos lahat ng PPO members kahit na matagal silang nag-aral at nanirahan sa iba’t ibang bansa.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas