Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong negosyo ni Dingdong, pantulong sa mga taga-industriya

LAYUNIN ni Dingdong Dantes na makatulong sa kanyang mga katrabaho sa TV at film industry sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong business na DingdongPH, isang food delivery service app.

 

Ayon sa Descendants of the Sun lead actor, adbokasiya niya ito para matulungan ang mga katrabaho sa industriya na nawalan ng pagkakakitaan bunsod ng pandemya. Maging siya ay may firsthand experience na sa pagde-deliver nang tumulong siya sa flower business ng asawang si Marian Rivera.

 

Aniya, “Masaya akong ginawa ko ‘yun para sa kanya. I’m looking forward to be one of the delivery servicemen one of these days.”

 

Bilang paghahanda, nag-organisa si Dingdong ng training para sa mga rider dahil mahalaga ito para sa kanilang kaligtasan.

 

Dagdag pa niya, “Maraming aksidente sa kalsada na involved ang mga motorcycle riders kaya mahalaga na kung sakaling may mangyari sa kanila or makakita sila ng kasamahan nila sa kalsada na naaksidente, alam nila kung paano mag-respond.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …