Sunday , November 17 2024

Yayo Aguila, may laplapan scene kaya uli sa Cinemalaya entry?

MAY health crisis man sa bansa at parang may political crisis din, ‘di maaawat ang pagdaraos ng ika-16 na Cinemalaya Film Festival na tradisyonal nang nagaganap tuwing buwan ng Agosto.

 

Pero may kaibahan ang Cinemalaya sa taong ito. Online (sa Internet) lang ipalalabas ang entries na pawang short films. Kasi nga may quarantine at social distancing pa sa bansa. Walang pagtatanghal ng pelikula na magaganap sa Cultural Center of the Philippines (CCP) o sa anumang sinehan.

 

Pero may mahahabang pelikula (full-length films) pa ring ipalalabas mula Agosto 7 hanggang Agosto 16. Ang ilan sa mga ‘yon ay ‘yung mga nagwagi ng awards sa mga nakaraang Cinemalaya o sa ibang festival.

 

Malay n’yo baka mapabilang sa full-length films na ipalalabas ay ang Fuccbois na biglang sumikat uli kamakailan sa social media si Yayo Aguila dahil sa halos limang minutong laplapan scene n’ya with young actor Royce Cabrera. 

 

After all, nagwaging Best Director last year sa Cinemalaya si Eduard Roy para sa entry n’yang ‘yon.

 

Pero may entry uli this year si Yayo, ang Fatigued na tungkol sa isang empleadong napahaba ang tulog at ang isang dahilan ay nananagip siya nang matindi na posibleng isang bangungot.

 

Si Yayo ba ang empleadong ‘yon at isa sa dalawang aktor na kasama n’ya sa pelikula ay makakalaplapan n’ya?

 

Hindi na lubusang baguhan sa paggawa ng pelikula ang director-scriptwriter ng Fatigued na si James Robin Mayo. May full-length

entry siya sa Cinemalaya last year, ang Mr. Wes na nagtampok kina Ogie Alcasid at Ina Raymundo.

 

Ang unang full-length film ni Direk James ay ang The Chanters na nagwagi ng Best Screenplay sa Quezon City Film Festival.

 

Eleven minutes and 34 seconds lang ang haba ng Fatigued.

 

May reputasyon ang Cinemalaya na nakapagpapalutang sa kamalayan ng madla sa ilang aktor at director-scriptwriters kahit na una o pangalawang pelikula pa lang nila ang napasali sa festival. Of course, may ilan ding nagtutuloy ang kasikatan, halimbawa’y si Tony Labrusca na bale co-lead actor ni Eddie Garcia sa MNL. Isa ‘yon sa mga huling pelikulang nagawa ni Eddie.

 

Ang napuna ang acting maging sa ibang bansa ay ang mga baguhang si Jansen Magpusao sa entry last year na John Denver Trending at si Louise Abuel sa Edward (at lalaki po si Louise, kahit na pambabae ang spelling ng first name n’ya).

 

Sikat din ang Cinemalaya sa pagkakaroon ng mga entry na may kakaibang kuwento o may lengguwaheng ‘di-Filipino/Tagalog kundi isa sa mga lehitimong wika sa ilang rehiyon sa bansa. Ang apat na entries sa Cinemalaya sa taong ito na ‘di Filipino/Tagalog ang dialog ay Ang Pagkalma sa UnosPabasa Kan PasyonUtwas, at Quing Lalam Ning Aldo.

 

Ang iba pang entries ay, Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert, Living ThingsTokwifiThe Slums, at Excuse Me, Miss, Miss, Miss (at tatlong “miss” po talaga ang nasa titulo nito).

 

Ang entry na Ang Gasgas na Plaka ay may kakaibang istorya: magbabago ang buhay ng isang lalaking lihim na bading at lihim din na HIV Positive nang nakatanggap siya ng lumang-lumang plaka mula sa isang ex-boyfriend n’yang sa abot ng kaalaman n’ya ay yumao na.

 

Ang  Tokwifi naman ay tungkol sa isang Tisay na dating sikat na artista na nakakulong sa loob ng isang lumang TV set na bumagsak buhat sa langit. May pagkamalandi ang artista, dahil nagkakagusto siya sa isang Igorot na ‘di marunong humalik.

 

May isa o dalawa pang entries na parang ganyan ding ka-weird ang mga istorya.

 

Sa Vimeo mapapanood ang entries. May bayad, pero mura lang naman, at ia-announce pa lang ng Cinemalaya at ng CCP kung magkano ang pay-per-view na may discount packages din depends sa bilang ng pelikulang gusto n’yong panoorin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *