MULING isinara kahapon ang ilang tanggapan sa Parañaque City Hall sa loob ng tatlong araw para sa disinfection activities kaugnay sa pag-iingat laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Lahat ng judiciary offices at mga tanggapan ng national government agencies, lahat ng tanggapan ng city council, Treasurer’s Office at Business Permit and Licensing Office (BPLO).
Nitong nakalipas na buwan, ang Treasurer’s office at Office of the City Council ay isinailalim sa 3-araw na disinfection at containment activities matapos na ilang kawani ang tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Iniutos ang quarantine ng 14 na araw sa mga nagpositibong empleyado ng Treasurer’s Office.
Araw ng Sabado, 18 Hulyo, nang pumalo sa 1,944 ang confirmed cases, 1,017 recoveries at 72 deaths sa COVID-19 sa lungsod.
Aniya, kahit walang kaso ng COVID-19 sa ibang gusali, inirekomenda rin na paigtingin pa ang hygienne services.
“Special consideration should be given to the application of cleaning and disinfection measures in common areas such as restrooms, halls, and corridors as a general preventive measure during the entire COVID-19 epidemic,” ayon kay Dr. Olga Virtusio, City Health Officer.
Kailangan din bigyan ng atensiyon ang madalas na disinfection sa mga bagay na madalas hawakan tulad ng handles, elevator buttons, handrails, switches, doorknobs, at iba pa.
Babalik ang operasyon sa mga nasabing tanggapan sa Miyerkoles, 22 Hulyo. (JAJA GARCIA)