ISA ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa mga iniidolo ngayon ng nakararami dahil sa vlogs niya na talaga namang kapupulutan ng aral.
Ayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto star, mahalaga na maibahagi niya sa mga kabataan ang natutuhan sa ilang taon niya sa showbiz.
Sa latest YouTube vlog ni Bitoy, ikinuwento niya na pinangarap din niyang maging teacher simula pa lang nang makapasok sa showbiz. Si Bitoy ay graduate ng Mass Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Dagdag pa ng Kapuso comedian, malaki ang pagkakaiba ng mga natutuhan niya sa kolehiyo mula sa kanyang actual working experience.
“Being here in the industry, gusto ko ring mai-share sa mga Mass Comm. students ‘yung sistema ng showbiz dito sa Pilipinas. Iba kasi ‘yung natutuhan ko sa college roon sa actual na na-experience ko sa projects ko. In a way, gusto ko mamulat ‘yung mata ng mga estudyante roon sa mga dapat nilang i-expect kung sakaling interesado silang gawin ‘yung mga ginagawa ko,” paliwanag ni Direk Bitoy.
Napapanood si Michael V. sa longest-running comedy show na Bubble Gang tuwing Biyernes, 10:00 p.m., at sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto tuwing Sabado, 7:00 p.m., sa GMA Network.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda