Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

.1-M OFWs natulungang makauwi sa bansa

NASA 100,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang natulungan ng pamahalaan para mapauwi sa kanilang lalawigan.

Ang kabuuang 96,792 OFWs ay nai-repatriate ng pamahalaan dulot ng pandemyang coronavirus at nakauwi na sa kanilang bahay.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Negatibo sa COVID-19 ang naunang batch na 1,691 homebound OFWs.

Noong nakaraan buwan ng Mayo, nasa 34,000 OFWs ang tinulungan ng pamahalaan para makauwi sa kanilang probinsiya habang mahigit sa 61,000 ay halos araw-araw napapauwi sa mga nakalipas na buwan.

Ang tracking system o ang tinatawag na OFW Assistance Information System (OASIS) ay itinalaga sa command center para sa maayos na repatriation ng OFWs na nagbabalik at umaalis sa bansa.

Bukod sa transportation assistance, ang OWWA sa pakikipagtulungan ng Philippine recruitment agencies (PRAs), at licensed manning agencies (LMAs), ay nagbigay ng hygiene kits, at accommodation sa mga umuuwing OFWs.

Halos nasa 572,442 OFWs na apektado ng pandemic ang nangangailangan ng tulong.

Ayon sa OWWA, 240,583 request for assistance sa ilalim ng inaprobahang AKAP program, at 203,585 sa kanila ang nakatanggap na ng emergency aid.

Ang AKAP ay one-time cash assistance na $200 o katumbas ng P10,000 na ibinibigay sa mga repatriated OFWs na apektado ng pandemya. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …