Monday , December 23 2024

Pagkuha ng maraming contact tracer paso na – Garin  

PASO o wala nang bisa ang iniisip ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dagdagan ang contact tracers ng gobyerno, ayon sa dating kalihim ng Department of Health (DOH) na ngayon ay Iloilo 1st district Represenative Janette Garin.

 

“The hiring of many contact-tracers in my point of view will not be that cost-effective anymore kasi nagbukas na tayo,” ayon kay Garin sa pagdinig ng House Defeat COVID-19 Committee (DCC) – Health cluster noong Miyerkoles.

 

“Contact-tracing using hired personnel would have been better during the lockdown. But at this point in time when we have partially — and the others have fully — opened, contact-tracing without technology is almost impossible,” aniya.

 

Nauna nang sinabi ni DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya na balak ng gobyernong gumamit ng maraming contact-tracers ngayong buwan.

 

Aniya, tinitingnan ng DILG ang mga nakatapos sa larangan ng allied medical fields, criminology, at kamukuha ng mga kursong idagdag sa kasalukuyang 50,000 volunteers sa buong bansa.

 

Napag-alaman gusto ng DILG ng karagdagang 50,000 contact-tracers dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nahahawa sa COVID 19.

 

Pero ani Garin, ang “value for money isn’t there” at ang human contact-tracers ay malamang na lilihis sa maraming bagay ngayon na hindi na mahigpit ang quarantine.

 

Umabot na sa 60,000 plus ang nahawaan ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,600 na ang namatay.

 

Sa parehong pagdinig, sinabi ni Tarlac 2nd district Rep. Victor Yap, chairman ng Committee on Information and Communications Technology, maaaring gamitin ang bluetooth-based contact-tracing dahil ito ang pinakamainam sa aspekto ng privacy ng mga tao.

 

“Sana gamiting technology would be the bluetooth technology. Maraming magrereklamo pero ito ay walang privacy issue. Other technologies have issues on privacy kaya medyo may question kaya hahaba pa ang applications,” ani Yap.

 

“In the future, kung maayos ang issue na iyon e ‘di puwedeng i-adopt ang mas superior technology. But in the meantime, I think having bluetooth… Sana ito ‘yung i-develop ng DICT.” (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *