MARAMING netizens ang napabilib ni Paolo Contis dahil sa husay niya sa pagpapatawa sa comedy film na Pangarap Kong Holdap gayundin sa pagpapaiyak sa romantic comedy movie na Through Night and Day.
Kaya naman hindi nakakapagtakang nangunguna ngayon sa video streaming platform na Netflix at pinag-uusapan sa social media ang dalawang pelikula niya.
Masaya si Paolo na nabigyan ng pagkakataon ang maraming viewers na mapanood ang mga pelikula habang nasa bahay at naka-quarantine. Patunay din ito na kayang makipagsabayan ng local films sa mga foreign film and series na mapapanood sa Netflix.
Samantala, napanood kagabi ang interview ni Paolo kina Geneva Cruz at Paco Arespacochaga sa online kumustahan na Just In sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.
COOL JOE!
Joe Barrameda