Thursday , December 19 2024

Heart Evangelista at Andi Eigenmann, natututong mag-recycle

GALAK na galak na ibinabalita ng GMA News online kamakailan ang pagiging involved ng dalawang showbiz celebrities sa recycling na makatutulong sa pangingibabaw sa mga limitasyong dulot ng pandemya at ang kaakibat nito na kwarantina.

 

Ang dalawang iyon ay sina Heart Evangelista at Andi Eigenmann. Batay ang magkahiwalay na mga ulat sa mga Instagram posting ng dalawang artistang parehong matagal-tagal na ring ‘di aktibo sa showbiz pero masugid pa ring ibinabahagi sa madla ang kanilang pribadong buhay sa pamamagitan ng social media.

 

Nasa Sorsogon ngayon si Heart, at kamakailan siya nakarating doon para makapiling  ang mister n’yang si Sorsogon Governor Chiz Escudero na roon inabot ng kwarantina samantalang si Heart ay sa bahay nila sa Quezon City.

 

Ang bago kay Heart sa Sorsogon ay ang discovery na maraming pakinabang sa pili nuts. Ito ay tulad ng nakakain ang laman nito, nare-recycle ang shell (matigas na balat), at nagagamit sa paggawa ng iba’t ibang handicraft na gamit sa bahay (gaya ng placemat, kurtina), mga pandekorasyon sa bahay, handbag, kwintas, bracelet, at marami pang iba.

 

“Pili is the gem of Sorsogon. You can do so much with it!” excited na mensahe ni Heart sa kanyang Instagram.

 

Sa isa pang post n’ya na may litrato, kasama n’ya ang isang mamamayan ng Sorsogon na tinuturuan siyang gumawa ng isang produkto na gawa sa balat ng pili.

 

Aniya sa caption ng larawan: “My beautiful and hardworking friend showing me how they were able to upcycle the pili nuts and turn them into something useful. Home and decor products for #LoveMarieXSorsogon will soon be available. Can’t wait to share their talent with you!”

 

Ang parang ‘di maiiwasang ‘di gawin ni Heart kahit nasa Sorsogon ay ang pagmamahal n’ya sa mga hayop, lalo na sa mga aso.

 

Noong July 10 ay may isinalba siyang mga aso mula sa city pound ng Sorsogon. Ito ay matapos siyang nakatanggap ng mensahe mula sa isa sa mga tagasubaybay n’ya roon.

 

Mensahe sa kanya: “Miss Heart Evangelista, baka po pwede n’yo matulungan ang aso po ng neighbor namin. Nakuha po kasi siya ng Sorsogon City animal pound. 

 

“Wala po pantubos ‘yung owner at matanda na rin po siya. Buntis po ‘yung dog and may inborn broken leg po siya. Kawawa naman po siya kung ma-euthanize po ng animal pound.”

 

Ang ibig sabihin ng “euthanize” ay ime-mercykilling sa pamamagitan ng injection na pupugto sa hininga.

 

Mabilis na sagot ni Heart: “Reply to my DM (direct message) please. This is urgent.”

 

Pagbabalita ni Heart sa Instagram n’ya: “So I had to go to the city pound to help someone get their dog. This is hell for me. I hope most of you will start adopting dogs. All breeds are beautiful. They have the same heart.”

 

Dinugtungan n’ya ‘yon ng panawagan sa madla na mag-ampon ng mga aso mula sa city pound at alagaaan ang mga ‘yon.

 

Mistulang pagsamo n’ya: “I am aware that I can’t change certain systems nor can I save the world but we can help save a life. One dog at a time. Help me foster. Help them. Save them. One by one.

 

“I got four dogs. Fostering them ’til I can find a home (home – means no cage, not tied to some tree – a real home. A real dog lover.)”

***

Samantala, si Andi Eigenmann naman ay sinasanay ang dalawang anak n’yang sina Ellie at Baby Lilo na masanay gumamit ng mga damit na hand-me-down.

 

Nasa Siargao Island sa Mindanao ang mag-ina kasama si Philmar Alipala, ang mister ni Andi na ama ni Lilo na isang surfing coach sa Siargao, na permanent nang naninirahan si Andi at ang mag-ama.

 

Sa Metro Manila regular na naninirahan si Ellie ‘pag schooldays, sa piling ng ama n’yang si Jake Ejercito. Nasundo ni Andi ang anak nang lumuwag ang paglalakbay sa bansa kahit na may kwarantina pa.

 

Nag-post si Andi kamakailan ng larawan nina Ellie at Baby Lilo at ang caption nito ay, “they’ve been going ukay-ukay on each other’s wardrobes lately.”

 

Ayon kay Andi, noong pumunta siya sa Metro Manila para sunduin si Ellie, dumaan siya sa bahay ng nanay n’yang si Jaclyn Jose at nanghingi ng mga damit na ‘di na ginagamit ng nakababatang kapatid na lalaki na ginagamit na n’ya ngayon na komportableng pantulog.

 

Pero ang mga damit n’ya noon ay kasya na sa anak na si Ellie kahit na eight years old pa lang ito.

 

Pagbabahagi pa n’ya sa Instagram n’ya: “Lilo, on the other hand, is wearing reusable diapers from the 90’s. They used to be mine!”

 

Ipinagtapat n’yang hiningi n’ya sa nanay ang mga lumang lampin n’ya. Talagang itinago ni Jaclyn ang mga ‘yon para maipasa sa iba.

 

Andi shared that though she’s trying to lead a sustainable lifestyle, “fashion was always the hardest to let go of.”

 

Andi reminded those who slowly want to be more sustainable, “that it’s always better to contribute even something so little, than doing nothing at all.”

 

Payo n’ya sa lahat: “One can be doing their best yet still not succeed in doing it completely, AND THAT’S OK.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *