Friday , May 16 2025

Family picture nina Solenn at Nico, pampa-good vibes 

GOOD vibes ang hatid ng pinakabagong family picture na ibinahagi ni Solenn Heussaff na nakaupo siya sa kandungan ng asawang si Nico Bolzico habang karga-karga ang kanilang baby girl na si Thylane.

 

Dahil nakasuot ng pulang shirt si Nico habang pulang shorts naman si Solenn, nakalilito sa unang tingin na tila ba’y naging legs ni Nico ang legs ng asawa.

 

Bumuhos naman ang nakaaaliw na comments mula sa netizens na hindi maitanggi ang pagkalito sa family picture ng Kapuso actress. “This is one of those photos that you have to do a double look. Naguluhan ako kung nasaan ‘yung katawan ni Solenn.”

 

Samantala, may patikim naman si Solenn sa kanyang naging guesting sa ‘new normal’ taping ng morning talk show na Mars Pa More kasama ang hosts na sina Iya Villania at Camille Prats. Makikita sa Instagram story ni Solenn kung paano siya nag-tape para rito.

 

Nakae-excite naman ang magaganap na chikahan at kuwentuhan mula sa tatlong Kapuso mommies sa special episode na ito ng Mars Pa More para sa kanilang 1st anniversary sa July 27, 8:50 a.m. sa GMA Network.

COOL JOE!
Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *