INIANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na pansamantalang sarado ang Office of Consular Affairs (OCA) na matatagpuan sa Aseana, Parañaque City, at ng kanyang Consular Office sa NCR South (Metro Alabang Town Center ngayong Lunes, 6 Hulyo.
Ang temporary closure ay para bigyang daan ang disinfection ng mga opisina at implementasyon ng iba pang mga hakbang upang mapigilan ang banta o panganib na dulot ng COVID-19.
Ang mga aplikante na may mga appointments at schedules ay aasikasohin kapag bumalik na sa operasyon ang mga nasabing tanggapan.
Hiniling ng ahensiya sa mga nagbabalak kunin ang kanilang passports mula 6 Hulyo at sa mga susunod pang mga araw, na maghintay muna ng anunsiyo sa muling pagbubukas ng DFA ASEANA at ng Consular Office sa Alabang.
Nanawagan ang DFA sa publiko ng pang-unawa at kooperasyon lalo na’t patuloy ang pakikipaglaban sa pandemya. (JAJA GARCIA)