MULA nang magkaroon tayo ng ECQ dito sa Manila noong March, hindi na nagpakita sa 24 Oras sina Mike Enriquez at Mel Tiangco. Bilang protekta sa mga senior ay inabisuhan na sila ng GMA na ‘wag na munang mag-report sa trabaho until SUCs time na puwede na silang lumabas ng bahay.
Ganoon na nga ang nangyari. After ng ilang buwan at medyo relax na ay napapanood na natin muli ang dalawa sa 24 Oras at si Mike ay nagre-report muli sa DZBB teleradyo.
After bumalik sa radyo at sa 24 Oras, may iba pang inihahanda si Mike dahil ngayong Hulyo, magkakaroon ng special episodes ang ating Imbestigador ng Bayan.
Sa COVID-19: Special Investigative Reports ni Mike Enriquez, tatalakayin ni Mike ang mahahalagang isyung iniinda ng Filipino sa gitna ng pandemya. Isa na nga rito ang kalbaryo ng mga pasaherong walang masakyan papasok sa kanilang mga trabaho dahil sa limitadong mass transport system.
Looking forward kami na mapanpod muli si Mike in his element na humihimay sa mga isyung tulad nito. Aabangan namin ang two-part specials na ito, at sa July 11 na nga mapapanood ang unang bahagi.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda