Monday , December 23 2024
ABS-CBN congress kamara

Ch 43 ng ABS-CBN nasilip ng Kamara

NASILIP ng mga kongresista ang pag-ere ng mga programa ng ABS-CBN sa Channel 43 matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) pagkatapos mapaso ang kanilang prankisa.

 

Sa pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability nitong Lunes, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na maglalabas na rin ang ahensiya ng “alias cease-and-desist order” laban sa Channel 43.

 

Naunang kinuwestiyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang patuloy na pag-ere ng Channel 43 gayong kasama ito sa cease-and-desist order (CDO) na inisyu ng NTC noong 5 Mayo 2020.

 

“Malinaw sa akin, it’s a violation of the powers of Congress. It is a violation of our constitutional mandate na tayo lang ang magbibigay ng prankisa. This in itself is a usurpation and infringement on the powers of Congress, Mr Chairman,” ani Defensor.

 

Inamin ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba kay Defensor, kasama ang Channel 43 sa original na CDO dahil ang prankisa na ginamit para sa digital broadcasting ng ABS-CBN ay napaso na noong 4 Mayo 2020.

 

“Ngayon po noong  aming nalaman na umeere pa rin sila sa Channel 43 kahit paso na ang kanilang franchise at kasama ito sa CDO na inisyu namin noong 5 May 2020 ay sumulat kami sa Office of Solicitor General,” ani Cordoba dahil nasa Korte Suprema na ang isyu.

 

“Nagtanong at humingi kami ng guidance sa Office of Solicitor General at itong guidance na ito ay natanggap namin kaninang umaga lamang (Lunes). Ang sabi ng OSG, tama nga, kasama nga ito at puwede po ang alias cease and desist order,” ani Cordoba.

 

Pinagre-resign ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta si Cordoba dahil hinayaan, umano, niyang makapag ere sa channel 43 ang ABS-CBN.

 

Sa panig ni Defensor, hindi na kailangan maglabas ang NTC ng “alias CDO” dahil kailangan lamang ipatupad ng NTC ang kanilang unang CDO na nilalabag umano ng ABS-CBN sa patuloy na pag-ere sa Channel 43.

 

“Ang commitment mo (Cordoba) ngayong hapon, ihinto mo lahat ng programa?” tanong ni Defensor kay Cordoba na sinagot naman ng “yes your honor” kaya anomang oras ay ipasasara na ang Channel 43.

 

Kaugnay nito lumabag, umano, sa batas ang ABS-CBN mula nang inilipat ang mga programa sa channel 43.

 

“Ang ginawa ng ABS-CBN nitong walong linggo na lumalabas sila, alam nila na may kamalian ang kanilang ginawa at may violation sa inyong inilabas na order,” ani Defensor.

 

Ayon kay House deputy majority Jesus Crispin Remulla, kumikita nang limpak na limpak na salapi ang ABS-CBN sa ilegal na paglipat sa Channel 43.

 

“Tiningnan ko po Mr. Chairman ang palabas sa TV plus, ang nakagugulat lang po ang daming advertisement. Kumikita sila ng pera, gumaganansiya sila nang napakalaki pero wala silang prankisa,” ani Remulla. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *