Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Wala pang sinasabing violation, lisensiya agad ang kinukuha

MABIGAT na inirereklamo ng maraming motorista partikular ng mga rider ang isang grupo ng mga pulis at ilang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na umano’y naninita sa kanto ng Rizal Avenue at Blumentrit sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan.

 

Sinabi nila, lahat halos ng mga nakamotorsiklo ay pinahinto ng mga pulis at MTPB at agad hinihingi ang kanilang driver’s license sa hindi malamang traffic violation.

 

Wala umanong paliwanag ang mga ito kung bakit sila sinita at agad hiningi ang kanilang mga lisensiya gayong wala naman sinasabing violation.

 

Maaangas pa anila at balagbag pa sa kanilang paninita na para bang walang proper briefing sa kung sinoman ang kanilang immediate officer-in-charge.

 

Mga mangmang daw ang tingin nila sa mga pulis at tauhan ng MTPB na naatasan sa nasabing lugar dahil walang alam hinggil sa traffic protocol.

 

Mantakin ninyong lisensiya agad ang hinihingi gayong wala naman sinasabing violation. E personal na karapatan at pagmamay-ari ng isang mamamayan ang driver’s license na ‘matik nilang pangalagaan. Hindi ito basta-basta ibinibigay sa sinoman segun sa situwasyon at traffic violation.

 

Maling-mali anila ang mga estilong ginawa nila dahil hiningi muna ang kanilang lisensiya bago isa-isang hihingin ang mga papeles o dokumento ng kanilang mga motor gaya ng OR/CR at kung kailan ito huling inirehistro.

 

Ultimo anila ang mga side mirror, ilaw at tambutso ng mga motor ay sinita. Sa rami ng mga reglamentong pinuna ay bihira ang nakalusot, kawawa naman ang magiging taya.

 

Malaking abala at oras anila ang nawala sa kanila hinggil sa mga hakbang isinagawa ng mga kumag.

 

Nananawagan sila sa kinauukulan na sana ay iniorganisa muna nilang mabuti at binigyan ng proper briefing ang itatalaga nilang mga tauhan sa ganitong situwasyon.

 

Hinggil sa kanilang mga nasita, hindi na natin nalaman ang kanilang ginawang aksiyon at ang naging “the end” gayonman ay nakasisiguro tayo na maraming kapalpakan ang direktor nito. He he he…

 

ANO KAYA ANG KINABUKASAN

NG MGA KABABAYAN NATING

NAWALAN AT INALIS SA TRABAHO?

 

Ano nga kaya ang magiging kinabukasan ng libo-libo nating mamamayan na nawalan at inalis sa kanilang mga trabaho dulot ng pandemyang ito sa ating bansa.

 

Paano na rin kaya ang kanilang pamilya na siguradong walang pagkukunan ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan?

 

Imenos na natin muna ang edukasyon ng kanilang anak at kapamilya dahil puwede naman silang pansamantalang huminto at maghintay sa susunod na taon. E paano kaya ang kanilang kakainin sa araw-araw, makayanan kaya nila ito?

 

Lahat tayo ay buhay na saksi sa lahat ng mga pangyayari. Nakita naman natin kung gaano na karami ang mga namamalimos sa lansangan dahil sa gutom, ‘di po ba?

 

Sana’y hindi humantong sa anomang karahasan tulad ng pagnanakaw, holdapan, patayan at kung ano-ano pang kriminalidad ang paghihirap nilang dinaranas.

 

Sana’y manumbalik muli ang dating kalakaran na may hanapbuhay at trabaho ang mga tao bagama’t may kahirapan din sila sa pamumuhay.

 

Sana’y maresolba at magawan agad ng aksiyon ng ating gobyerno ang parusa sa libo-libo nating mamamayan na ang mayoridad ay pawang mahihirap at maralita sa buhay.

 

Higit sa lahat, sana’y manatili ang kapayapaan sa ating bansa sa kabila ng lahat ng pahirap at sakripisyo nating dinaranas sa araw-araw.

 

Matuldukan na rin at malunasan ang pandemyang COVID-19 na naging sanhi ng ating pagdurusa sa kasalukuyan.

 

Huwag tayong mag-alala dahil hindi tayo pababayaan ng Maykapal. Hindi niya ito bibigay kung hindi natin kaya. Atin rin pakatandaan: “If government won’t, God will provide.”

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *