MAGKAKASAMANG nagtungo kahapon, June 25, sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Camp Crame ang mag-inang Aiko Melendez at Andre Yllana, at ang kasintahang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun, para paimbestigahan at sampahan ng kaso ang netizen na nagkakalat na may hawak siyang sex video scandal ng binata ng aktres.
Ayon pa sa netizen na ito, ilalabas niya ang sex video scandal ni Andre kapag naka-25,000 Twitter followers na siya.
Narito ang nilalaman ng Facebook post ni Aiko kahapon ng hapon, “Maraming Salamat po PLTCOL. Nicomedes P. Olaivar Jr. ng PNP-ACG…Cybercrime.
“And Gen. Agustin sa agarang action!”
“Si PLTCOL. Nicomedes P. Olaivar Jr. ang OIC ng Investigation Division ng Anti-Cybercrime Group (ACG) at si PBGEN Dennis P. Agustin naman ang Director ng ACG.”
Pinasalamatan ni Aiko ang kasintahang vice governor sa suporta nito sa kanilang mag-ina. “Thank you baby VG Jay Khonghun for stepping in for Andre. We appreciate your presence.”
May hinala na sina Aiko kung sino ang naninira kay Andre.
“We now have a lead as to who this crazy pervert is who caused my son Andre Yllana anxiety!”
May mensahe rin si Aiko sa naninira sa kanyang anak.
“As i told you, don’t mess with any of my loved ones. Especially when we are right! Because we will teach you a lesson that you regret learning.”