TATLONG overseas Filipino workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia ang humihingi ng tulong sa gobyerno matapos silang mahawaan ng COVID-19 ng kanilang amo.
Napag-alaman, sa isang bodegang walang aircon umano inilagay ng kanilang among positibo rin sa COVID-19 ang tatlong OFWs.
Idinulog ng tatlo noong nakaraang Linggo ang sitwasyon nila kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac sa pamamagitan ng isang pang-umagang programa sa telebisyon (Unang Hirit).
“Kinakailangang maisagawa riyan ay mai-pull out sila at madala sa medical authorities para sa kanilang agarang treatment,” sabi ni Cacdac.
Makikita sa isang video na ipinagdarasal ng dalawang OFWs ang kanilang kasamahan na pinipilit nilang kalmahin dahil sa matinding takot.
Hanggang ngayon ay wala aniyang natatanggap na ayuda ang tatlong OFWs na humingi ng tulong sa gobyerno. (JAJA GARCIA)