Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1,000+ Chinese workers ililipat sa Cavite POGO hubs

LIBONG Chinese nationals sa Multinational Village sa Parañaque ang ililipat sa 20-ektaryang Philippine offshore gaming operation (POGO) City sa Cavite para matigil ang mga reklamo ng Pinoy tenants laban sa kanila.

 

Ayon kay Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) president Arnel Gacutan, nasa 2,000 Chinese at Taiwanese na nagtatrabaho sa POGO ay hindi na bumalik nang mabinbin sa kani-kanilang bansa nang magpatupad ng nationwide lockdown noong nakalipas na Marso ang bansa.

 

Sinabi ni Gacutan, maraming Chinese nationals na nagungupahan sa condo units sa loob ng Multinational Village, ay kabilang sa natanggal sa pagsasara ng limang POGO at hindi bababa sa 10 local service providers na nagresulta sa paghina ng negosyo dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Napag-alaman, nabigyan ng lisensiya ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang pagtatayo ng POGO hubs sa Clark, Pampanga at sa Kawit, Cavite, na pangangasiwaan ng offshore gaming firm na Oriental Game.

Ang POGO hub sa Cavite ay may kapasidad na 20,000 workers habang ang 10-ektarya pasilidad sa Clark ay kayang tumanggap ng 5,000 empleyado.

 

Nabatid na naglagak ng P8 bilyon pamumuhunan sa Cavite hub.

 

Sinabi ni Gacutan, nagsimulang dumagsa ang Chinese nationals sa Multinational Village noong 2017 nang magbukas ang POGO offices sa Quirino Avenue at Entertainment City sa Macapagal Avenue, Barangay Tambo.

 

“At that time, there about 3,500 to 4,000 Chinese occupants inside our village. They were renting around 210 big town houses, bungalow, and mansions either owned by Filipino-Chinese or wealthy Filipinos,” ani Gacutan.

 

Pinabulaanan ni Gacutan ang isyu na nasa 8,000 Chinese nationals ang nanunuluyan sa Multinational Village.

 

Kasabay nito pinabulaanan nila na may 5 Chinese nationals ang tinamaan ng COVID-19 doon, bagkus ang frontliners ng kanilang subdibisyon na nagbabantay sa gate ang nagpositibo sa isinagawang rapid tests, na ngayon ay nakarekober na.

 

Ang iba pang natitirang Chinese nationals na nangungupahan sa residential houses, commercial buildings at condominium sa loob ng Multinational Village ay hindi na rin nag-renew ng kontrata na magtatapos sa darating na Disyembre.

 

Sa kasalukuyang headcount, nasa 106 residential houses at commercial buildings ang okupado, na karamihan sa 1,300 dayuhan ay Chinese nationals na empleyado ng POGO.

 

Aniya, marami nang nag-abandona sa condo units at residential houses simula noong COVID-19 lockdown noong Marso.

 

Ang iba ay nangungupahan lang sa mga bahay na pinamamahalaan ng Filipino caretakers, ang ibang nawalan ng trabaho ay nagsilisan, habang ang POGO workers na natitira pa sa nasabing subdibisyon ay maililipat ng kanilang employers bago magtapos ang taong 2020 sa Cavite. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …