Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

YouTubers, bloggers, influencers atbp bubuwisan na ng BIR

KUNG dati’y natutuwa sa ‘libreng’ kasikatan at nagiging trending pa ang mga YouTubers, bloggers, influencer at iba pang kumikita sa iba’t ibang klase ng digital platform, hindi na ngayon.

Ang dahilan? Target na rin sila ni Mr. Taxmen o ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Napaulat kamakailan na ganito ang naranasan ng isang political blogger, na umabot sa 250,000 followers at umano’y halos kumikita ng P15,000 hanggang P25,000 kada buwan mula sa Google ads at mga instant articles mula sa Facebook.

Pero ngayon umano ay bumaba na ang kanyang kinikita dahil inireklamo siya sa Facebook kaya halos P5,000 hanggang P7,000 na ang kita nila sa Google.

Kaya ngayon, ang BIR ay nangongolekta na ng datos mula sa video bloggers, influencers, Youtubers at iba pang kumikita mula sa digital ads sa kanilang platforms.

Nitong nakaraang Biyernes, sinabi ng BIR, “‘online bloggers and filmmakers earning from advertising gained from their online channels’ were covered by a memorandum requiring digital earners to register so taxes could be collected from them.”

Arayku!

Maging sa hearing sa House ways and means panel, tinanong ni ACT Teachers Rep. France Castro ang BIR: “Is it true that bloggers, filmmakers and those earning from digital ads are also covered by this memorandum?”

Tinutukoy umano ng mambabatas ang Revenue Memorandum Circular 60-2020 na ipinadala sa lahat ng nagpapraktis ng e-commerce sa pagnenegosyo upang mairehistro, magkaroon ng accounting records, maghain ng kanilang tax returns at upang makapagbayad ng kanilang buwis as tamang oras.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa: “Yes, bloggers and others earning digital ads are also required to register their business.”

        Kaya klaro sa memorandum na aplikable rin itong e-commerce platform providers, gaya ng Shopee and Lazada, internet retailers of consumer goods, providers o digital membership/subscription services at iba pang digital transactions gaya ng paggamit ng electronic platforms and media, online bloggers and filmmakers earning advertising income, at ride-hailing services for food, transport, delivery or merchandise. 

        E paano na maghahanapbuhay ‘yung mga nawalan ng trabaho nitong panahon ng pandemya?! Paano na ‘yung gumagawa ng paraan para kumita sila sa pamamagitan ng online selling sa digital platform?!

        Lahat sila, bubuwisan na ng BIR!

        Tsk tsk tsk…

        Hindi kaya mas malupit pa sa COVID-19 ang paghabol ng BIR kahit sa maliliit n negosyante ?!

        Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *