Saturday , November 16 2024

Bike lanes sa Maynila hindi pa ligtas — Isko

PINAG-IISIPAN maigi ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang paglalagay ng bike lanes kasabay ng pag-amin na hati ang kanyang desisyon pagdating sa nasabing usapin para sa lungsod ng Maynila.

 

Ayon sa punong lungsod, susunod siya kung magkakaroon ang national government ng bike lanes sa siyudad pero kung sa kanya iiwan ang pasya ay  hindi niya ito gagawin dahil hindi pa handa ang siyudad para sa bike lanes.

 

Aniya, hindi pa handa ang lungsod sa paglalagay ng bike lane base sa kaayusan at seguridad dahil mayroong 4,000 trucks ang dumaraan sa kalsada ng Maynila araw-araw.

 

Sa  live public address ng alkalde, inalala niya anģ pagkamatay ng bayaning frontliner na babaeng doktor na sakay ng kanyang bisikleta nang masagi ng truck habang pauwi sa tahanan.

 

“Two months ago, puwede ka mag-bowling sa luwag ng kalsada, mayroon tayong doktor na nag-duty, nakabisikleta  at sinasagaan ng trak, kaya hati ang puso ko sa bike lane. Mas titiisin ko pa na mahirapan kayo maglakad at sumakay para maghanapbuhay kaysa makita ko kayong sumambulat ang utak sa kalsada,” ayon kay Mayor Isko.

 

Naniniwala si Isko, hindi handa ang lahat ng klase ng mga motorista partikular ang mga truck para sa bike lanes.

 

“Dapat masusing pag-aralan. Gusto ko ‘yan (bike lane) maganda ang konsepto, it’s just that kung ipatutupad sa Maynila ng national government, makikiisa tayo, walang kuwestiyon, pero titingnan ko kung paano mapapangalagaan ang ating mga kababayan. Pero kung ako ang mag-i-initiate, I would say no. Gamitin n’yo na lang ang bangketa,” dagdag ng alkalde.

 

Sa nasabing usapin patungkol sa paglalagay ng bike lane ay mas matimbang kay Mayor Isko ang kaligtasan ng lahat ng kababayan partikular ang maayos na pag-uwi ng mga manggagawa at empleyado na inaasahan ng kanilang pamilya.

 

Ibinahagi ng alkalde ang kanyang pagbisita sa The Netherlands na mayroong bicycle lanes pero dekada umano ang inabot ng pag-aaral doon kaya wala silang aksidente.

 

“Handa na ba ang nagbibisikleta na ilagay niya ang sarili sa gitna ng malalaking rumaragasang sasakyan? Alam n’ya na ba ‘yung disiplina? I have nothing against it (bike lanes) pero kailangan pag-aralang maigi dahil ayokong may madidisgrasya sa lungsod ng Maynila. Mababalewala lahat ang pinagpapagal ninyo kung bali-bali ang buto n’yo o nasawi kayo,” pahayag ni Mayor Isko. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *