Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pakiusap sa DOH: Sakripisyo ng frontliners na nagbuwis ng buhay sa COVID-19 huwag sayangin

WALA nang natutuwa sa pagbibilang ng Department of Health (DOH) sa bilang ng mga biktima ng coronavirus o COVID-19.

Sa pinakahuling bilang, umabot sa 26,420 ang kompirmadong kaso; 1,098 ang namatay; at 6,252 ang sinabing mga gumaling.

Ibig sabihin mayroon pang 20,168 ang hindi natin alam kung nasa ospital ba? Kung nasa ospital, ilan ang nasa ICU? Ilan ang naka-confine? Ilan ang nasa isolation facility? Ilan ang nasa quarantine facility?

‘Yan bang 26,420 ay mga apektado ng COVID-19 sa Filipinas o kasama na ang mga Pinoy na nasa ibang bansa?!

Ilang kategorya ba talaga inihahanay ng DOH ang mga apektado ng COVID-19?!

Marami po ang nagtatanong nang ganito dahil hanggang ngayon hindi maipirmis ng mga taga-DOH kung ano na ba talaga ang status ng pandemya sa bansa.

Gaya kagabi, muling ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Cebu sa enhanced community quarantine (ECQ), habang ang Metro Manila ay nananatili sa  general community quarantine (GCQ).

E kailan ba tayo kakawala sa ganitong sitwasyon?! 

Ang sabi ng healthcare workers, supposedly, sila ang last line of defense kung sa airport pa lang ay naharang na ang mga carrier ng coronavirus. Pero hindi nga nangyari ‘yun kaya marami tayong healthcare workers na kinabibilangan ng magagaling nating doktor ang iginupo ng coronavirus.

Pumanaw ang nasabing mga doktor, nurses at iba pang healthcare workers at hindi na nakita ng kanilang pamilya maging ang kanilang mga labi.

Napakalungkot na paghihiwalay para sa isang pamilya — isang tunay na trahedya.

At ‘yan ang ikinalulungkot natin ngayon.

Sa kabila ng sakripisyo ng frontliners, na hindi nakakapiling at napoproteksiyonan ang kanilang sariling pamilya, e parang hindi nagkakaroon ng direksiyon ang mga awtoridad kung paano nila ‘papatagin ang kurbada’ ng pandemyang coronavirus (COVID-19).

        Paano ba naman nating hindi masasabi na parang walang direksiyon, e noong inilabas ng University of the Philippines (UP) na kapag tinanggal ng National Task Force on Covid-19 ang iba’t ibang antas ng community quarantine sa iba’t iang lugar sa bansa ‘e biglang sisirit sa 40,000 katao ang posibleng mahawaan ng virus, biglang ninerbiyos ang Pangulo at ibinalik sa ECQ ang Metro Cebu at ang Metro Manila ay nanatili sa GCQ.

        Hindi naman masama kung makikinig ang pangulo sa mga eksperto pero ang punto lang natin, wala bang iniharap na kapani-paniwalang datos ang DOH sa pangulo kaya mas nanalig siya sa pag-aaral ng UP?

        At kung mas may kredebilidad ang ginagawang monitoring, data gathering, pag-aaral at pag-aanalisa sa kasalukuyang pandemya ng UP, bakit hindi sila ilagay sa unahan ng trabahong ito kung sila naman talaga ang maaasahan para rito?

        Nang sa gayon ay hindi nasasayang ang milyon-milyon o bilyon-bilyong ginagastos ng gobyerno ngayon sa paglaban sa COVID-19.

        Sa totoo lang, kitang-kita natin sa mga press briefing ang isa pang ‘krisis’ sa loob ng malaking pandemya — ‘yan ang ‘krisis’ na hindi alam ng ilang opisyal ang kanilang ginagawa kaya hungkag ang mga sagot nila sa publiko.

        Kaya sa pagitan ng pandemyang COVID-19 at sa ‘krisis’ ng ‘kamangmangan’ ng ilang opisyal sa pinagdaraanan natin ngayon — mas nakatatakot ang ikalawa.

        Matotodas ang mamamayang Filipino na nahawaan ng COVID-19 dahil sa mga ala-tsambang ‘troubleshooting’ na bilyon-bilyon na ang ginagastos ng pamahalaan.

        Ma’m/Ser, isang pakiusap lang po, ipasa na ninyo sa mga tamang tao ang pagreresolba sa krisis o pandemyang ito nang makaahon na tayo.

        Ipinagkakanulo kayo ng mga bilang, charts, at graphs na kayo mismo ang naghaharap sa publiko — kaya kitang-kita na wala kayong direksiyon kung paano ninyo papatagin ang sinasabi ninyong kurbada ng pandemya.   

        Bigyan po natin ng ‘kaluluwa’ ang Bayanihan to Heal as One Act para tuluyan na tayong makaahon sa pandemyang ito.

        Please…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *