Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nagsikap kumita sa online selling, imbes alalayan, gustong pigain sa anti-poor taxation (Pinoys na jobless dahil sa pandemya)

NAKATAPAK pa ba sa lupa ang gabinete at iba pang opisyal ng administrasyong Duterte?!       

        O mayroon bang ‘nakapasok’ na kaaway sa ‘inner circle’ ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang layunin ay ihakot siya ng ‘galit’ o kaaway?

        Bakit natin naitatanong ito?

        Mantakin n’yo naman, noong ang buong bansa ay nasa lockdown o quarantine, walang hanapbuhay ang mga kababayan natin.

        Kahit na sabihing mayroong ayuda, alam naman natin na marami ang hindi nakatanggap, at ang padalang food packs na pawang de-lata, instant noodles, at bigas ay hindi makatutulong para palakasin ang resistensiya ng mga mamamayan.

        Bukod pa ‘yan sa limitadong kilos na alam nating may malaking epekto sa kalusugan ng tao kapag walang galaw-galaw ang katawan.

        Kaya marami tayong mga kababayan na para masustina ang pangangailangan ay pumasok sa ‘online selling.’    

        At lalong lumakas ngayon dahil maraming kompanya ang nagsara, na awtomatikong magreresulta ng maraming empleyado na nawalan ng trabaho.

        Ngayong nasa general community quarantine (GCQ), inakala ng maraming kababayan na kahit ay luluwag ang kanilang paghahanapbuhay pero mali pala.

        E kasi, heto ngayon ang National Economic Development Authority (NEDA), imbes mag-isip ng bagong estratehiya kung paano lilikha ng pagkakakitaan para sa mas maraming maliliit nating kababayan, at kung paano tutulungang mabuhay ang mga nawalan ng pagkakakitaan — ang naisip nila’y buwisan ang maliliit na online sellers.

        Para raw may maipasok na pondo sa kaban ng bayan. Siyempre, marami ang umalma.

        Pero may nakahandang ‘ut-ut’ o ‘pacifier’ ang mga lekat na gabinete ng Pangulo.

        Huwag daw mag-alala ang maliliit na online sellers, kasi ang bubuwisan lang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay ‘yung mga kumikita ng P250,000 kada taon.

        Hindi natin alam kung marunong bang magkuwenta ang nagsabi nito.

        Simple mathematics lang po, P250,000/12 = P20.883.33 then P20,883.33 /30 = P694.44.

        Kung ikaw ay nasa online seeling, at halimbawang may gross sales kahit P694.44 kada araw, tiyak na  aabutin mo ang gross sales na P250,000 o higit pa, sa loob ng isang taon. Kaya tiyak na mahahagip ka ng BIR para obligahing magbayad ng buwis.

        Ano po ang ibig sabihin natin?!

        Ibig sabihin, lahat ng online sellers ay mabubuwisan kahit ‘yung sumisistema lang.

        Kaya nga tila nagbabanta ang BIR, dapat lahat ng online sellers ay magrehistro sa BIR. Ang mahuhuling hindi nagrehistro ay papatawan daw ng mas malaking buwis.

At kapag nakarehistro na sa BIR, kailangan nang mag-imprenta ng official receipt at kailangan magmantina ng libro de cuenta. Sa pamamagitan kasi niyan, makukuwenta na ng BIR kung magkano ang ipapataw na buwis sa online sellers.

Simpleng-simpleng pananalakab sa maliliit nating mga kababayan na halos hand-to-mouth existence na nga lang ‘e, gusto pang agawin ang kaning isusubo sa kanilang pamilya.

Wattafak!

Anti-poor taxation na po ‘yan!

Sabi nga nina senators Joel Villanueva at Risa Hontiveros, pagbayarin muna ninyo ‘yung mga rehistradong Philippine offshore gaming operators (POGOs) na may utang na P50 bilyones sa ating pamahalaan.

Bakit nga naman hindi ‘yung P50 bilyones na ‘yun ang habulin kaysa ‘kubain’ sa barya-baryang pinagkakakitaan ng ating mga kababayan?

Hindi na tayo nagtataka kung bakit sa araw na ito’y magkakaroon ng “Independence Day Mañanita.”

Marami na tayong mga kababayan na nasasakal sa mga ‘gimik’ nitong gabinete ni Pangulong Digong.

Mr. President, pakitanong na nga po kung nakaapak pa sa lupa ‘yang mga Gabinete ninyo?!

E mukhang nasa alapaap na ‘yang mga gabinete ninyo’t hindi na ramdam ang kalam ng sikmura ng 16 milyong Filipino na bomoto sa inyo.

        Tsk tsk tsk…       

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *