Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pagcor casinos sasagip nga ba sa sadsad na ekonomiya ng bansa?

BUONG-BUO ang tiwala ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairperson and chief executive officer Andrea Domingo na ang sandamakmak na casino sa bansa bukod pa sa Philippine offshore gaming operations (POGO) ang sasagip sa sumadsad na ekonomiya dahil sa pananalasa ng pandemyang coronavirus (COVID-19).

Buong giting na ipinahayag ito ni Pagcor chief Domingo sa kanyang keynote message sa unang araw ng ICE Asia Digital online conference nitong Lunes, 8 Hunyo 2020.

Nagsalita si Ma’m Andrea sa tonong hindi matatawaran ang kanyang kompiyansa na malaki ang maitutulong sa pagbangon ng ekonomiya sa pagbubukas ng gaming industry sa bansa.

Kaya naman sa nasabing online gambling conference, inihayag niyang unti-unting magbubukas ang malalaking casino sa bansa sa katapusan ng Hunyo o sa pagpasok ng Hulyo.

At sa kanyang mensahe, ipinagmalaki ni Madam Andrea, sa pagbubukas ng gaming industry, ay magbibigay ito ng trabaho sa 132,000 katao at payayabungin umano ang iba pang negosyo gaya ng restaurants, hotels, malls sa integrated resorts, services, transportation, at sa real estate.

Ilan po kaya ang Filipino riyan sa 132,000 katao na ‘yan?!

Nitong nakaraang Biyernes, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang kawalan ng trabaho (unemployment) ay sumirit sa 17.7% nitong Abril 2020.

Ibig sabihin, pitong milyong Filipino o higit pa ang mawawalan ng trabaho sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, ito ang pinakamataas na unemployment record ng bansa.

Kaya kung sinasabi ni Madam Andrea na makapagbibigay ng trabaho sa 132,000 katao (na hindi sigurado kung Filipino sila lahat) kakarampot ito sa bilang na 7.3 milyong Filipino na walang trabaho.

Agam-agam rin ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napapatag ang kurbada ng bilang ng mga nagkasakit o nahawaan ng COVID-19.

At sabi nga mismo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF-IED) at Department of Health (DOH), lolobo ang bilang ng positibo sa COVID-19 habang nagpapatuloy ang rapid testing at/o swab testing.

Pagkatapos bigla ngayong magpapapasok ng mga dayuhang mag-eempleyo sa mga POGO at biglang bubuksan ang malalaking casino gaya ng Solaire, Resorts World, Okada, City of Dreams at iba pang malalaking casino sa bansa?!  

Wattafak!

Pinanghahawakan ni Madam Didi na ang Pagcor, ay nag-ambag nang malaki sa national coffers dahil sa epektibong regulasyon at operasyon ng mga casino. Bukod pa umano sa mandated contributions.

Sabi ni Madam: “The agency turned over a hefty amount for the government’s COVID-19 response efforts.”

E tanong lang po, sino kaya ang pupunta sa Casino sa panahong ito gayong buong mundo ay sinalanta ng COVID-19?!

Sabi nga ng ilang nakakikilala kay Madam Andrea, mukhang naiinip na si Pagcor chair napakahabang ‘bakasyon.’

Kaya laging iginigiit ni Madam Andrea na, “There will be more economic opportunities when other gaming stations and casinos open.”

Huwaw!

Palagay natin ‘e dapat munang mag-ballroom si Madam Didi kaysa naman muli tayong manganib at magkaroon ng 2nd wave ng COVID-19 (God forbids) kapag pinayagan ang pagbubukas ng mga casino.

Ballroom, ballroom po muna kayo Madam Didi, please?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *