Thursday , October 31 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Korupsiyon sa cash aid

AKALAIN ninyong may 155 barangay captains at opisyal ang iniimbestigahan sa anomalya sa cash aid na ipinamimigay ng gobyerno sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno?

 

Kung totoo ang bintang sa kanila, ang kakapal naman ng mukha ng mga demonyong suwapang na opisyal ng barangay. Bago pa man ipamahagi ang SAP ay ilang ulit nang nagbabala si President Duterte na huwag silang mangangahas na galawin o pakialaman ang perang ito dahil may paglalagyan sila.

 

Ang nangyaring ito ay patunay lamang na hanggang ngayon ay malalim pa ring nakabaon ang kuko ng korupsiyon sa ating gobyerno. At puwede itong magparamdam o manalasa sa kahit anong pagkakataon. Hindi man lang sila natakot sa maaaring gawin ng Pangulo bilang parusa sa kanilang kalokohan.

 

Bukod dito, hindi ba sila nangangamba sa puwedeng gawing ganti ng kanilang mga kabarangay, lalo na iyong mga hindi nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno?

 

Alalahanin na sa panahong ito ay may umiiral na krisis na dulot ng COVID-19. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong. Hindi dapat  magsamantala ang sino man, lalo na ang mga opisyal ng barangay dahil ang pera ay inilaan ng gobyerno para sa lahat ng nangangailangan.

 

Ipinaposte ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pangalan ng lahat ng nakatanggap ng ayuda. Dapat pala ay lalo itong ikatakot ng mga opisyal ng barangay dahil makikita ng lahat ng mamamayan kung sino-sino sa kanila ang tunay na nakatanggap ng pera.

 

May mga usap-usapan na ang iba ay napilitang makipagsabwatan sa opisyal sa usapang kalahati o mas mababa pa ang matatanggap. Mas mabuti na raw ito kaysa walang makuha kahit na magkano.

 

Sa iba naman ay umiiral pa rin ang palakasan o kamag-anak system. Kung sino ang malakas sumipsip o kaanak ni kupitan, este kapitan, ay prayoridad sa mga makatatanggap ng ayuda.

 

Ini-refer na iyong mga opisyal ng barangay sa Ombudsman para magawan ng karampatang aksiyon. Dapat lang naman dahil kung totoo ang isyu ay garapalang pananamantala o pang-aabuso sa mga maliit o mahihirap na tao ‘yan.

Dahil ba ang tao ay asawa, anak, kaanak o kaya ay dakilang sipsip kay kapitan ay sapat na dahilan para manguna sa listahan ng mga tatanggap ng ayuda?

 

Hindi naman makatarungan iyon. At lalong hindi makatarungan na balewalain nila ang babala ng Pangulo.

 

Dapat huwag palagpasin at sa halip, papanagutin sa kanilang kapalpakan.

 

Kung hindi ay uulitin lang nila ito at baka tularan pa ng iba ang kanilang kalokohan.

 

Alalahanin ninyo na hindi inyo ang pera. Inilaan iyan ng gobyerno sa mahihirap nating kababayan. Kung susuwapangin ninyo ang pera ay umalis na kayo sa puwesto hangga’t maaga dahil siguradong hindi ninyo matatakasan ang parusa ng gobyerno.

 

Hindi lahat ng tao ay puwede ninyong lokohin sa lahat ng pagkakataon. Itanim ninyo iyan sa inyong isipan at huwag kaliligtaan. Hindi Pasko ang lahat ng araw para inyong pagkaperahan. Huwag mamuhay sa pangungulimbat dahil aani rin kayo ng karma, mabuti man o masama. Hindi ninyo maiiwasan iyan.

Sa isyu ng laban sa korupsiyon, walang dapat maisasalba kahit kapartido o kaibigan ng mga nag-iimbestiga.

 

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

 

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: Laglag na sa administrasyon, tablado pa kay Digong

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa paulit-ulit na ‘drama at palundag’ hindi malayong tuluyang matalo si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *