MAG-RESIGN ka na Duque!
Ito ang hiling ni Magdalo Party-List Rep. Manuel Cabochan III kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III matapos niyang sisihin ang kanyang mga tauhan sa ibinimbing ‘konsolasyong
Benepisyo’ para sa health workers na namatay at nagkasakit nang mahawa ng coronavirus (COVID-19).
“For once, he should take responsibility on the fiasco in DOH and resign,” ayon kay Cabochan na dating tenyente sa Navy.
“Blaming his subordinates for the delay in health workers benefits is the height of Sec. Duque’s irresponsibility. He should be ashamed he even thought of that much more say it in words,” ani Cabochan.
Naging laman ng nga diyaryo si Duque noong Biyernes matapos niyang sisihin ang mga empleyado ng kagawaran sa pagkaantala sa pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers na namatay at nagkasakit ayon sa ipinag-uutos ng Bayanihan to Heal as One Act.
“Kasi nakakahiya talaga, sir, e. Namatayan na nga, tapos nagpawarde-warde (pa ang) mga tao ko na parang walang sense of urgency, sir (It’s really embarrassing, sir. These families’ loved ones died and yet my people have been dilly-dallying, it’s like they don’t have a sense of urgency, sir),” ang walang kahihiyang sagot ni Duque kay Pangulong Duterte noong Biyernes.
Makalipas ang ilang oras, inako ni Duque ang responsibilidad bilang kalihim ng kagawaran.
Sinisi rin ni Cabochan si Duque sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
“He must remember, else he must be reminded, that we are too deep in this COVID mess because of his delayed response or recommendation because he downplayed the virus and was more worried on the repercussions should we impose travel ban on China in January or February,” ayon sa kinatawan ng Magdalo sa Kamara.
Ani Cabochan, nag-alangan si Duque na pagbawalan ang pagdating ng mga Intsek muka sa Tsina sa bansa na dapat ginawa noon pang Pebrero.
“In a crisis management standpoint, that was a costly error,” ayon sa kongresista.
Nauna nang nanawagan ang 14 sa 24 senador na bumaba si Duque sa puwesto dahil sa kanyang “failure of leadership” sa gitna ng pandemyang COVID-19.
ni GERRY BALDO